❅006

204 9 1
                                    

JAYCEE

Nakakainis talaga si Kuya! Hindi ko nama talaga siya gusto eh! Well.. crush?

Kahit pa! Pero siya yung target ko. Kailangan kong magawa 'tong mission ko. No time for love. Geez

"Bakit ikaw yung nagustuhan ni Jana? Hindi ka naman gwapo. Ang payat payat mo pa hahahaha" napalingon ako sa pinaggagalingan ng boses at nangunot ang noo ko ng makita ko ang grupo ng kalalakihan sa may field.

Dahan dahan akong lumapit para makita kung sino ang sinasabihan niya ng salitang iyon.

"You better beware of me, Xu Minghao. Hindi mo kami kilala at hindi mo alam ang kaya naming gawin" nang marinig ko ang pangalan na binubully niya ay halos mag-init ang ulo ko kaya agad akong lumapit sa kanila

Akma niya ng susuntukin si Minghao pero pinigilan ko ang kamay ng lalaking ito.

"Alam ba ni Jana na isa kang malaking salot sa lipunan?" Sarkastiko kong tanong sa kanya para inisin siya. Lahat sila ay napatigil nang makita nila ako.

Surprise maderfakers!

"At sino ka? Kaibigan ka ba nitong lampang 'to?" mas lalong nag-init ang ulo ko sa tawa niya. Mukha siyang tanga.

"Wala kang pake kung sino ako. Tigilan niyo si Minghao" mas lalo pa siyang tumawa na mas kinainis ko. Pag talaga di ako makapag-pigil babangasan ko 'tong isang 'to

"At sino ka para utusan ako?" Lumapit siya sakin at sasampalin sana ako pero kinuha ko agad ang kamay niya at pinaikot palikod. Siraulo 'to ah.

"Aray! Aray! Bitawan mo ko!" Kahit yung mga panget niyang kasama ay walang nagawa dahil tinitigan ko agad sila ng masama.

"At sino ka rin para utusan ako?" Balik ko ng tanong sa kanya habang namimilipit parin siya sa sakit.

"Isang lapit niyo pa kay Minghao, hindi lang ito ang aabutin mo. Naiintindihan mo ko?" Sabi ko at mas lalong hinila ang kamay niya nang sabihin ko ang huling pangungusap.

"O-oo na. Sorry na. Bitawan mo na ako please" psh, wala pala 'tong isang 'to eh. Binitawan ko na yung lalaki. Nagsi-takbuhan sila nang mabitawan ko yung leader nilang baliw.

Napalingon ako kay Minghao at nakayuko lang siya sakin. Unknowingly, napangiti na lamang ako

"Are you alright? May ginawa pa ba silang masama sayo?" Tanong ko sa kanya. But then, imbis na pasalamatan niya ako ay mas kinagulat ko ang bahagyang pagtulak niya sa akin.

"Hindi mo dapat ginawa yun!" aba! Siya na nga 'tong tinutulungan tapos siya pa yung magagalit?!

"Tinulungan na nga kita eh" saad ko sa kanya pero inayos niya lang ang suot niyang salamin bago ako tignan with his cold beautiful eyes

"Hindi ko naman hiniling na tulungan ako. Hindi ka na dapat nakialam" sabi niya atsaka iniwan ako.

Buong akala ko ay pasasalamatan niya ako sa pagtulong ko sa kanya. Pero kabaligtaran iyon ng inaasahan ko.

He's really different

Xu Minghao, ano ba talagang meron sayo?

"M-minghao!" Buong lakas kong tawag sa kanya. Tumigil lang siya pero nanatili parin siyang nakatalikod.

"Can we be friends?" Tanong ko pa.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan" sabi niya atsaka pinagpatuloy lang ang paglalakad niya

TO BE CONTINUED..

❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon