MINGHAO
"Napaka-gago niya" galit na sabi ni Seokmin hyung.
"Hyung, sorry" sabi ko saka napayuko. Naramdaman ko ang pag-tapik niya sa braso ko.
"Hindi mo kasalanan, Hao. Ginusto din ni Jaycee na protektahan ka. Walang may gusto nito" napayukom na lang ako ng kamay. Ginagalit ako masyado ng gagong iyon. Sige, ngayon niya ako subukan.
"Minghao, na-contact ko na si Tito. Papunta na rin sila dito. I guess we can get Jaycee in this day also" nakangiting sabi ni Yana sakin. I smiled on her weakly. Alam ko kung gaano siya naga-alala para kay Jaycee.
"Yana, thank you" sabi ko sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na si Jaycee. Gaya ng sabi ko sayo noon, magaling kase mag-tago ng sikreto yun eh"
Speaking of mag-tago. She lied again to me. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong maramdaman gayong alam ko naman na hindi ko talaga kayang magalit pa sa kanya
"Hao! Na-trace ko na yung location ni Jaycee" sigaw ni Jun hyung galing sa kwarto ko. Hiniram niya kase yung laptop ko. Luckily, naka-open yung location ng cellphone ni Jaycee kundi mahihirapan kaming malaman kung asan siya
"Asan?" tanong ko.
"Sa lumang building sa likod ng school natin"
We'll get you, Jaycee. Lagot ka sakin pag-balik mo
—
"Tito, sa likod ng school namin. Na-trace na namin yung location niya" sabi ni Yana sa kanyang tiyuhin.
"Nako, sige tara na. Kawawa naman si Jaycee" Sabi nito saka dali-daling pinaandar ang kotse patungo sa exact location.
"Ako na lang po muna papasok" sabi ni Minghao. Sabay-sabay siyang tinignan ni Seokmin at Yana.
"Minghao naman" tinapik lang ni Minghao si Seokmin saka nginitian ito.
"Mas lalong hindi natin makukuha si Jaycee. Wag muna tayo mag-madali hyung. Iuuwi ko si Jaycee. Pangako" wala na ring nagawa ang dalawa kundi hayaan si Minghao.
Lumabas ito sa Police Car saka naglakad papasok sa building. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang phone ni Jaycee. Binuksan niya ito at halos mapangiti nang makita niyang picture niya ang naka-set na wallpaper.
Napailing na lamang ito saka nagpatuloy sa pagpasok sa building. Maraming nakabantay sa paligid kaya dahan-dahan siyang pumuslit papasok sa loob. Hinanap niya sa bawat sulok ng building kung nasaan si Jaycee hanggang sa makarating siya sa dating library ng building. Ito kase ang may pinakamalaking space at ito na lang ang iisang kwarto na hindi niya pa nakikita.
Nakarinig siya ng malakas na tawanan mula sa loob nun kaya inikot niya ang tingin niya at may nakitang mahabang kahoy. Pinulot niya ito agad saka dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Huwag ka ng pumalag, kala mo ba maganda ka?" Tila ba nag-init ang ulo ni Minghao saka nagdilim ang paningin niya saka mabilis na pinag-papalo ang apat na lalaking nakapalibot sa dalaga.
"M-minghao" mangiyak-iyak na tawag niya sa binata. Mukhang napuruhan ang apat dahil bumulagta silang lahat. Kinuha ni Minghao ang phone niya saka dali-daling tinawagan sila Mingyu.
BINABASA MO ANG
❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang ilagay ka sa kapahamakan❞ ➳In which Jaycee Lee needs to watch of Xu Minghao for her mission ➤ Xu Minghao x Reader [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗𝚊𝚛𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗] ︴SEVENTEEN Fanfiction (MINGHAO...