❅058

121 10 2
                                    

THIRD PERSON'S

Napabuntong hininga na lamang si Jaycee atsaka ibinaba ang phone niya. Hindi niya pa pala nasasabi sa kuya niya ang tungkol sa pagtira nila ni Minghao sa iisang bahay. At base sa reaksyon niya kanina siguradong aasarin silang dalawa nun kapag nalaman niyang nakatira ito sa bahay ni Minghao.

Isa pa niyang problema ay kung paano niya haharapin si Minghao bukas ng hindi naiilang at namumula. Siguradong hindi na magiging normal ang pagharap niya sa binata simula bukas. Muli na naman siyang napabuntong hininga at saka tumingin sa gilid niya only to see Minghao looking at her

"Ay Minghao! Geez, kanina ka pa ba andyan?" tanong niya sa binata ngunit sa halip na sagutin siya nito ay narinig niyang tumawa ito. Muli siyang napatingin sa binata. It sounded like a music in her ears. Ang gaan sa puso ng tunog ng tawa niya. Even his laugh are cute.

"Why aren't you sleeping?" tanong sa kanya ni Minghao at tumabi sa dalaga. Ramdam na naman niya ang pamumula ng mukha niya kaya agad siyang umusog leaving them meters of space. Napangiti na lang ang binata at tumingin ng diretso.

"Eh ikaw din, bakit di ka pa natutulog?" Balik ni Jaycee sa tanong ni Minghao.

"I'm looking for you" his words made her heart beat like crazy again

"Nagpapahangin lang ako para makatulog" iwas na iwas siyang hindi matignan ang binata dahil sa puso niya. It keeps on beating erratically.

"Sinabi sakin ni Kuya na birthday daw ng mama mo bukas. Pakisabi sa kanya Happy Birthday" for the second time narinig niya na namang tumawa si Minghao.

"Bakit ka tumatawa? Seryoso ako"

"Naririnig ka na nun. Hindi ko na kailangan sabihin" para bang kinilabutan siya agad sa sinabi ni Minghao at luminga-linga sa paligid.

"H-huwag ka ngang manakot. Para kang baliw" sabi niya at hindi pinapakita kay Minghao na takot siya.

"Seryoso din ako. Nandito kaya siya ngayon"

"Minghao!" Saway niya pero hindi siya pinasadahan ni Minghao ng tingin.

"Alam mo kung asan siya?" hindi sumagot si Jaycee

"Andyan sa tabi mo!" kaagad tumayo si Jaycee para tumakbo pero hindi niya nakitang nakaharang ang paa ni Minghao sa daan kaya agad siyang natumba buti na lang ay agad rin siyang nasalo ng binata.

"Okay ka lang ba?" napadilat siya agad at nakita ang malapit na mukha ni Minghao sa kanya. Halos hindi ito makahinga dahil ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila. Agad niyang pinalo sa braso si Minghao saka dali daling tumayo mula sa pagkakahulog niya.

Umupo siya sa pwesto niya kanina at inayos ang damit niyang nalukot.

"Napaka mo talaga, Xu Minghao" kaagad niyang narinig na humagalpak ng tawa ang binata kaya tinignan niya rin ito ng masama.

She never saw him laugh like crazy like this.

"Matatakutin ka pala. No wonder" tinignan niya ng masama si Minghao bago magsalita.

"Anong No Wonder ka dyan? Matatakutin ka din naman"

"Hindi ah. Kailan ako natakot?" tanong ni Minghao sa kanya.

"Takot kang mawala ako. Yieee" hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon si Minghao sa halip ay seryoso lang siyang tinignan nito.

Para bang biglang natauhan si Jaycee sa sinabi niya at biglang nahiya sa sinabi niya kay Minghao. Unti unting namumula ang pisngi niya kaya agad siyang umiwas ng tingin sa binata

"Joke lang. Seryoso mo naman" sabi niya saka awkward na tumawa para mabawasan ang bigat ng paligid.

"Hao?"

"Hmm?"

"Thank you" napatingin ang binata sa kanya nang sabihin niya ito. This time feels different for both of them. Now that they both know what they feel towards each other

"For what?" tanong niya kay Jaycee.

"For taking care of me. Lalo na nung may sakit ako. Thank you for making me happy when I feel so down. Thank you for everything" sa totoo lang ay nahihiya siya but she feels she really should say thank you to the man.

"Thank you din" she stopped and lifted up her face.

"H-ha?" Minghao chuckled a bit saka tumingin pabalik kay Jaycee.

"Thank you for staying with me. Thank you for comforting me kapag wala ako sa sarili ko. You are the only person to approach me pati sila hyung and I'm so thankful for that" hindi niya maitatangging kinikilig siya sa sinabi ni Minghao.

He was really open to her at masaya siya doon. Unti unti na niya natututunang magtiwala sa ibang tao.

They are both staring at each other for a minute now. Both of their hearts are beating erratically. She felt so overwhelmed and happy just by his eyes staring at her.

Para bang nagkaroon ng sariling utak ang katawan ni Minghao as he was slowly leaning closer to her. A few meters and finally an inch close towards each other.

He smiled at her and reached for her lips.

She felt sparks when Minghao's lips touched hers. Para gusto niyang sumabog sa saya.

All she knows was she loves him. And maybe it will get more deeper everytime.

Ilang sandali lang ay natauhan si Jaycee at dali daling tumayo.

"S-sorry. G-goodnight Minghao" sabi niya saka kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. She immediately locked the door bago sumandal. Her heart was still beating fast.

"W-what just happened?"

TO BE CONTINUED..

❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon