JAYCEE
"So kamusta naman ang research mo about Minghao?" Natatawang tanong ni Yana sakin.
"Research ka dyan!? Kinikilala ko lang haha" sabi ko naman sa kanya.
"Sure ka ba dyan? Eh mukhang nahuhulog ka na dyan para kay Minghao. Kaya mo bang ilagay siya sa kapahamakan?" at that moment, hindi ako nakapag-salita. Hindi dahil sa nahuhulog ang loob ko. Naalala ko lang yung kwinento ni Kuya Seoks kagabi. Nagi-guilty ako para sa kanya.
"Alam mo honestly speaking, nagu-guilty ako para sa kanya. Simula pa lang ng pagiging adulthood niya puro tragic moments na ang nararanasan niya. Sa tingin ko hindi tama itong gagawin ko" wika ko.
"Edi umatras ka na lang sa deal niyo nung boss mo" iyan din ay hindi ko kayang gawin.
"Hindi pwede, siguradong ako naman ang magiging next target nun" napabuntong hininga na lamang kaming dalawa. Napaka-complicated ng nangyayare
"Huy, diba si Minghao yun?" Tanong niya sakin sabay turo sa kabilang side ng library kung saan kami nakaupo.
Oo nga, si Minghao nga. He was quietly reading a book. Suot suot niya parin yung salamin niya. Uhm, ang cute niya lalo pag may salamin
Teka teka teka! Ano bang pinagsasabi ko?! HAHAHAHAHAHA! Puyat lang siguro 'to kaya nakyu-cute-an ako sa mga bagay hehehe
"Puntahan ko lang siya sis!" Paalam ko kay Yana saka dagling pumunta sa pwesto niya.
"Jaycee! Teka lang!—" hindi ko na siya pinatapos pa dahil kinuha ko na ang gamit ko at pumunta sa table niya.
Pagpunta ko sa table niya ay inilapag ko agad ang dala kong bag at mga libro.
"Pwede maki-share?" Nahihiya kong sabi at saka umupo sa harap niya.
"Andami daming table dyan bakit makikishare ka pa?" He said then looked up at me. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya nang titigan niya ako.
"P-puno na eh" sabi ko. Nakita ko pa siyang luminga-linga at saka ibinalik ang tingin niya sakin.
"May mata ka ba?" Para akong nawalan ng sasabihin nang magsalita siya.
"Dito na lang ako please" akma siyang tatayo pero kaagad ko ding hinawakan ang kamay niya.
"Please stay here" sabi ko sa kanya. Sandali siyang napatigil na dahilan para bitawan ko na ang kamay niya. Mag-stay ka please!
"Tss" sabi niya bago tuluyang maglakad palayo.
Ano pa nga bang bago?
Nakita kong tinatawanan ako ni Yana kaya nan nag-amba akong susuntukin ko siya pero dinilaan niya lang ako na parang bata. Ampotek naman!
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang ilagay ka sa kapahamakan❞ ➳In which Jaycee Lee needs to watch of Xu Minghao for her mission ➤ Xu Minghao x Reader [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗𝚊𝚛𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗] ︴SEVENTEEN Fanfiction (MINGHAO...