❅060

112 6 0
                                    

THIRD PERSON'S

"Minghao, una na ako" bulong niya. 1:00 na pero tulog parin ang binata. Hindi din ito pumasok gaya ng sabi ni Seokmin sa kanya. Napuyat din kase ito kagabi sa pag-aaral. Masyado niyang binababad ang sarili sa pagbabasa dahil malapit na ang exams bago ang sembreak.

She sneaked out quietly para hindi magising ang binata. Sumakay siya ng tricycle saka nag-abang ng jeep nang makarating siya sa bayan.

Ilang sandali lang ay bumaba siya sa isang flower shop. Hindi na rin naman masyadong malayo ang sementeryo mula doon kaya lalakarin niya na lang ito.

"Hi Jaycee!" bati ni Mina sa kanya. Ang owner ng flower shop. Madalas kasing bumili ng bulaklak sa kanya si Jaycee bago dumalaw sa kanyang ina kaya kilala niya na ang may ari.

"Hi Mina! Wala kang pasok?" Tanong ni Jaycee sa kanya.

"Sembreak na ng pinapasukan ko ngayon eh. Kaya binuksan ko na 'tong shop. Btw, Red Roses ulit?" tumango si Jaycee saka ngumiti.

"Alam na alam mo na talaga ang bibilhin ko" natatawang wika niya kay Mina.

"Syempre. Alam kong para sa Mama mo yan. Miss mo na siguro ang mama mo" ngumiti ng mapait si Jaycee saka tumango.

"Sobra. By the way, thank you Mina! Una na ako ha" ngumiti si Mina atsaka kumaway kay Jaycee hangga't sa makalabas ito ng shop.

Nakangiting naglakad papunta si Jaycee sa sementeryo habang inaamoy ang bulaklak

"Magugustuhan mo 'to, Ma" sabi niya sa sarili saka pumasok.

"Hi Mama!" nakangiting bati niya sa puntod ng mama niya 

"It's been a while. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ha? Andaming kailangang gawin sa trabaho saka school eh" hinawi niya ang iilang dahon na nalalagay roon saka muling ngumiti.

"Kamusta ka na po? Sana masaya ka ngayon dyan. Miss na miss na kita, Ma" she couldn't help herself but to cry.

"Argh! Sabi ko hindi na ako iiyak eh. Okay lang ako ma. Namimiss lang kita ng sobra although life is tough sometimes pero kakayanin ko. Ang swerte ko kay Yana saka kay Kuya Seokmin, Ma. Don't worry about me okay?" She placed the roses beside her mother's grave. Kinuha nito ang lighter na binili niya kanina saka nagsindi ng kandila.

"Alam mo ma, may nakilala ako" kung kanina ay umiiyak siya ngayon ay hindi niya mapigilan ang ngiti sa labi niya. Thinking that person she met.

"He was my Target. Inutos siya sakin nung boss ko kaso nag-give up ako sa deal. Hindi ko kaya ma"

"Hindi ko siya kayang ipahamak. At first masungit siya, cold, mayabang, walang pakialam sa mundo, tamad magsalita but then habang tumatagal, naiintindihan ko siya. His parents died kaya ganun na lang ang galit niya sa mundo"

"I wanted to make him happy. I wanted to make him feel na he was not alone. Gusto kong baguhin niya yung bad traits niya. Pero ma, kahit na ganun siya minsan, I still love him. Ang cute cute niya lalo pag nakangiti. Ang sarap kurutin ng pisngi niya kaso baka magalit siya sakin"

"Haaays. Namiss kitang kausap ma. Sa susunod na dadalaw ako, ipakikilala ko siya sayo. Baka sa birthday ko pupuntahan ulit kita. By the way, his name was.." napatigil sa pagsasalita si Jaycee nang may tumawag sa kanya.

❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon