❅075

118 7 0
                                    

JAYCEE

Hindi ko na hinintay pang makauwi si Minghao. Aba, umagang kay gala? Jusko, hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis. Napaka-galing na bata.

Dadalawin ko ulit si Mama ngayon since nagpromise ako sa kanyang babalikan ko siya sa birthday ko and this was the perfect time.

"Hi Maaaa! Sabi ko sayo babalikan kita eh" naiingayan na siguro sa akin si Mama dahil kada pupuntahan ko siya, nakasigaw ako. Well, pwera nung nakaraan.

"Kamusta ka naman po dyan? I hope you're having fun saka pahinga ka lang dyan. I'll be okay here" nakangiting wika ko saka nilinis ang puntod niya.

"You've suffer so much nung nabubuhay ka pa kaya gusto kong mag-saya ka lang dyan" hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

I miss my mom so much. Sana kasama ko siya ngayon. It's my 18th birthday, sana nagdedebut ako gaya ng iba ngayon.

"Ma, alam mo makakasama na siguro kita sa mga susunod na araw. Diba po dapat masaya ako na makakasama kita? Kaso ma, paano na po siya pag nawala ako? Gusto kitang makasama pero gusto ko rin siyang makasama. Ma, I'm sorry" hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng loob ko.

Napatigil ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Pakiramdam ko ay niyayakap ako nito. Pinunasan ko ang luha ko saka ngumiti.

"Thank you, Ma. Magkakasama na tayo someday"

-

"Dapat na ba akong umamin sa kanya, hyung?" napakunot ang noo ko saka binagalan ang lakad ko para marinig sila.

"Paano hyung?" saan? Kanino daw siya aamin? Hindi kaya hindi niya na ako mahal tapos may nakita na siyang mas better? Pakyu ka talaga, Xu Minghao.

"Okay okay. I'll do it now" nang makarating ako sa may bandang likod niya ay nakapameywang ako bago magsalita.

"Anong aaminin?" nakakunot ang noo kong sabi. Napatingin naman siya sa akin saka nanlalaki ang mata niya halatang may tinatago at nagulat siya na makita ako.

"O-oh Jaycee. Kanina ka pa dyan?" tanong niya.

"Hindi. Ngayon lang. So ano yung aaminin mo?" pagbalik ko sa topic.

"Ah wala yun. Aamin ako kay Hyung na nangopya ako sa quiz kase hindi ako naka-review hehehe. Tara, tulungan na kitang mag-lipat" sabi niya saka dire-diretsong lumabas ng pinto.

I know it wasn't about that. Yun pa ba? Makakalimutan mag-review. Ulo mo, Xu Minghao. Ako pa lokohin mo siraulo ka.

Napailing na lamang ako saka pumunta sa kwarto. Inayos ko na rin kase yung mga gamit ko kagabi since kailangan ko na rin naman lumipat. Buti na lang talaga at nagbago ang ihip ng hangin at ibinalik na sakin yung apartment ko. Hindi naman sa ayaw ko na siya makasama kaso lang nakakahiya kase talaga saka kaya ko naman na buhayin yung sarili ko.

"M-minghao" muntik na ako mapatalon sa gulat nang maramdaman ko ang mga braso na nakapalibot sa beywang ko. Napatingin ako sa likod at halos malagutan ako ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"A-ano bang ginagawa mo?" nauutal na tanong ko. Geez, alam na alam ng taong 'to ang kahinaan ko.

"Are you sure you'll be okay alone?" malambing na tanong niya. Takte naman, Minghao. Bitawan mo na ako hindi ako makahinga ng maayos hukluban ka.

"O-oo naman. S-saka pwede mo naman akong puntahan kahit anong oras dyan" sabi ko saka tumawa ng alanganin para maibsan ang awkward na atmosphere.

"Are you sick? Namumula ka" shuta naman oh. Sa lahat ng pwede mong mapansin, ayan pa talaga!

Naramdaman kong hinipo niya ang noo at leeg ko. Shuta ka, Xu Minghaaaao!

"Hindi ka naman mainit eh. What could be the problem?" TINATANONG PA BA YAN? IKAW YUNG PROBLEMA KO SHUTA KA! MAKALAPIT KA NAMAN DYAN HINDI KA PA NGA NAGKO-CONFESS HMPF!

"Are you perhaps intimidated?" tinignan ko siya ng masama and he was smirking. Jojomabagan ko 'to di porket may crush ako sa kanya tss.

"W-why would I?" Jaycee ano baaaa! Mas lalo kang mahahalata dyan sa utal mo eh!

"Malay mo natatakot ka sakin kase you know" tinignan ko ulit siya ng masama.

"Ha! Why would I?!" sigaw ko pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin saka niyapos ang beywang ko. Nasisiraan na ba 'to?! Anong brand ba ng katol yung nahithit nito?!

"H-hoy! B-buang ka ba?! L-lumayo ka n-nga!" nagsimula na akong sinukin. Gosh, bakit ba ako kinakabahan?!

"M-minghao!" singhal ko pero nakangisi lang siya habang unti unting papalapit sa akin.

Nagulat naman ako dahil ipinosisyon niya ang mukha niya sa tapat ng mukha ko at nilapit ito sa akin. Help please! Hindi ako makahinga shemay.

I just closed my eyes when he was just an inch from me.

"Pfft HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" napadilat ako at nakita ko siyang nakahiga sa kama habang hawak hawak ang tiyan niya. And obviously, he was freaking laughing.

Napayukom na lamang ako ng kamay saka dali-daling kinuha ang tsinelas ko saka ibinato sa kanya.

"Ouch Jaycee! What was that for?!" natatawa niya paring tanong sa akin

"I hate you!" sigaw ko saka kaagad na lumabas ng kwarto. I held both of my cheeks.

"He was really a jerk" sabi ko sa sarili ko saka iiling-iling na pumunta sa apartment ko.

TO BE CONTINUED..

❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon