❅033

116 11 4
                                    

JAYCEE

Grabeng swerte ko kay Kuya. Hindi man ako pinalad sa pangalawang ina, meron naman akong sobrang bait na kaibigan at kapatid. Kaya pinahahalagahan ko sila kase sila lang yung mas nakakaintindi sa kalagayan ko.

Napangiti na lang ako bago buhatin ang bag ko. Handa na ako para sa pagpasok. Napalingon ako sa paligid. Ang sarap ng simoy ng hangin lalo kapag umaga. Kaya ang sarap maglakad patungo sa school.

Napatingin ako sa mga kapitbahay at halatang ang iba ay mahihimbing pa ang tulog. Kahit ang bahay ni Minghao ay saradong sarado. Pero speaking of Minghao, ilang araw ko na palang nakakausap yung sungit na yun.

"Good morning!" Bati sakin ni Yana nang makarating ako sa main entrance ng campus

"Morning! Good mood ka ata" nakita ko namang nginitian niya lang ako. Tinusok tusok ko pa yung tagiliran niya. Kakaiba yung ngiti nito ngayon ah.

"Ano ka ba, ganito naman talaga ako ngumiti" sabi niya sakin. Ha! Akala niya ba maniniwala ako sa kanya?

"Good morning, Jaycee!" Bati sakin ni Seungkwan. Yung kaibigan nila Kuya

"Good morning!" Bati ko pabalik. Nginitian niya lang ako saka nilagpasan. Weird.

"Woah! Jaycee, may naglagay ng Ice Cream sa upuan mo oh" rinig kong singhal ni Yana sakin. Sa upuan ko? At sino naman ang maglalagay niyan?

"Ha? Kanino galing?" Sabi ko at daling nilapitan si Yana hawak hawak yung Ice Cream na nakalagay sa desk ko kanina.

"Walang nakalagay. Dalawa pa talaga. Ang cute" natatawang sabi niya.

"Baka naman hindi sakin yan. Namali lang" napalingon ako sa buong room at nakita si Mingyu na tahimik na nagse-cellphone. Hindi kayaaa...

"Mingyu!" Tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin.

"Sayo galing 'to?" nakita kong ngumisi siya bago umiling. Weird! Ang weird ng mga kaibigan ni Kuya. Geez

"Naks, may admirer ka na pala ha. Sumbong kita sa kuya mo" pang-asar niya.

"Hoy wala 'no! Sino naman magkakagusto sakin" sabi ko atsaka tumawa. Nagkibit-balikat lang siya bago ibalik sa cellphone niya ang tingin niya.

Kanino ba galing 'to?

"Kainin mo na, baka matunaw oh. Sayang naman" sabi ni Yana. Eh! Baka mamaya hindi pala akin 'to tapos kainin ko. Edi ako pa nagbayad tss.

"Ayoko. Ilagay mo na lang dyan. Baka hindi pala sakin yan 'no.

"Jaycee, seryoso ka ba? Natutunaw na yung Ice Cream oh" pangungulit sakin ni Yana. Kanina pa 'to. Sabing ayaw ko at baka hindi para sa akin yan.

"Yana Chou, ang kulit mo. Ilagay mo lang yan dyan at baka hindi satin yan" saway ko sa kanya. Ngumuso lang siya bago ilapag muli yung Ice Cream.

"Psst. Andyan na bebe mo" napatingin ako agad sa pinto at nakita kong pumasok si Minghao. Aba! Siraulo 'to ah.

"Bebe ka dyan" sabi ko atsaka umiling.

"Bebe mo kaya yan. Tamo ang cute niya oh. Diba?" Kantyaw niya ulit sakin.

"Baka ikaw ang may gusto sa kanya, Yana" sagot ko pero itong gaga tinawanan lang ako.

Nakita kong nakatitig siya sa Ice Cream atsaka tumingin ulit sakin.

Anong meron?

TO BE CONTINUED..

❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon