JAYCEE
"Dad, Mom alis na po kami. Dadalaw po ulit ako. I love you both" napangiti na lamang ako nang makita ko siyang nagpapaalam sa magulang niya.
He may be cold at first pero look at him being the sweetest person around his parents. Ang cute lang.
"Bye po!" paalam ko rin sa kanya saka kumaway.
Parehas na kaming naglakad papalabas ng sementeryo. Since tapos na naman kaming dumalaw sa mga parents namin. Grabe, sobrang namiss ko si Mama. If only I could turn back the time.
"Ikaw ah. May pa-Jey ka dyan" pang-asar ko sa kanya. Nakita ko naman siyang patagong ngumiti. Sus, kunwari pa 'tong isang 'to.
"Ashuuu! Xu Minghao. Patago pa ngumingiti" pang-asar ko ulit sa kanya.
"Hindi ah. Patago ka dyan" kahit naman ideny niya sakin nakita ko parin siyang ngumiti.
Grabe, nung isang araw lang halos hindi mo siya makausap ng maayos but look at him now. He was so much better now
"But I am glad na hindi na buong pangalan ko ang itatawag mo sakin" dagdag kong sabi.
"Jey was cute tho" napatahimik ako sa sinabi niya. He was the only one to give me unique nicknames. Usually Jayce or Jaycee lang ang tawag nila sakin. Pero tama siya, Jey was cute.
"Cute din naman yung Mingming ah? Saka ako lang tumatawag sayo nun" nakita ko pa siyang ngumuso pfft. He's so cute.
"Anong tingin mo sakin? Pusa?" nanggagalaiti niyang sabi sakin. Hindi ko maiwasang mapatawa sa reaksyon ng mukha niya.
"Hindi pero kasing cute mo sila" geez, that's a lame one.
"Ewan ko sayo, Jaycee Lee" ahh so nang-aasar din siya ngayon.
"Ewan ko din sayo, Mingming" sabi ko sa kanya with matching cross arms.
"Mingming, dun muna tayo sa park. Nagugutom na ako" sabi ko sabay hila sa kanya. Wala na rin siyang nagawa dahil hinablot ko agad ang kamay niya.
"I said don't call me Mingming!" patay, mukhang inis na siya HAHAHAHA. Well, inaasar niya rin ako nung isang araw so quits lang
"I won't! Hahaha"
"You'll stop calling me that or else" bahagya siyang napatigil bago ngumisi. Uh oh.
"O-or else ano?!" singhal ko sa kanya pero nakangisi lang siya sakin. Creepy huhu
Mas ikinagulat ko pa ang pag-pantay niya sa mukha ko bago niya ilapit ang mukha niya sakin. Siraulo ba siya?!
"Or else I'll kiss you" sa sandaling iyon ay biglang nag-flashback sakin ang panghalik niya sakin kagabi. Geez! Nakatingin pa siya ngayon sa labi ko with a little smirk on his lips. Jusko Xu Minghao!
"X-xu Minghao!" tawag ko sa kanya pero mas lalo niya lang inilapit ang mukha niya sakin dahilan para mawalan ako ng balanse sa pagtayo at ready na sa pagbagsak ko. Pahamak talaga siya huhu.
"I catched you" rinig kong sabi niya kaya agad kong dinilat ang mata ko. Nang magkasalubong ang tingin namin ay kinindatan pa ako ng siraulo.
"Fine! I won't call you that nickname. Darn you, Xu Minghao." sabi ko saka inunahan siyang maglakad. Pakiramdam ko ay umaakyat na naman ang dugo sa mukha ko. Bakit ba bigla bigla na lang siyang naging ganun? Nakakalito siya alam niya yun?
I was supposed to open his apartment's door nang may tumawag sakin.
"Jaycee?" i felt nervous again. Kapag minamalas ka nga naman.
"U-uyy Yana!" patay malisya kong tawag sa kanya.
"Bakit ka andyan? Diba apartment ni Minghao yan?" geez kasama niya pa si Mingyu. How will I say it?
"A-ahh a-ano" namamasa na ang kamay ko sa kaba dagdag mo pang hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila.
"Jaycee is living with me" sabay kaming napatingin ni Yana nang may sumapaw sa sasabihin ko.
"W-what?!" mukhang gulat na gulat pa silang dalawa ni Mingyu sa sinabi ni Minghao. Pahamak talaga oh
"You are both what?" parang lutang na tanong ni Mingyu. Ganun ba talaga pag nagugulat? Napapa-english?
"She lives with me" diretsahang sabi ni Minghao.
"T-teka, m-matagal na ba? B-bakit hindi ko alam?" nauutal na tanong ni Yana still shocked. Eto na nga ba kinatatakutan ko eh.
"U-uh, pwede bang pumasok muna tayo sa loob? Hehe" yaya ko sa kanila. Buti na lang ay sumunod din sila at hindi na nagsalita.
"Ihahanda ko lang kayo ng makakain" nakangiting sabi ni Minghao.
"Sama ako" sabi ni Mingyu saka tumakbo sa kusina kasama si Minghao.
"Why aren't you telling me this, Jaycee?" Seryosong tanong ni Yana. Nakakatakot siya pag seryoso siya huhu.
"Y-yana, sorry! B-biglaan lang din kase saka Minghao insisted. Balak ko naman sabihin sayo—" napatigil naman ako nang bigla siyang tumili na parang baliw saka niyakap ako. Luh baliw.
"Kinikilig ako, mamsh! So nakatira na kayo ngayon sa iisang bubong. Ang cute! Practice para sa pagpapakasal someday. Naks!" namula naman ako bigla sa sinabi niya. Masyado namang advance mag-isip 'to.
"Practice ka dyan. Aalis din ako kapag nakaipon na ako" sabi ko sa kanya.
"Teka, ano bang nangyare?"
"Pinalayas ako nung step mom ko sa apartment ko. But then dumating yan and he insisted to live with him. Sino ba ako para tumanggi. Nakakahiya din naman pag pumunta ako sa inyo. Andun sila tita" para na namang siyang bulateng nilagyan ng asin.
"Tangek. Okay lang kahit sa bahay ka pumunta pero okay na ding magkasama kayo ni Minghao dito yieee!" Sabi niya pa saka sinundot sundot pa ang tagiliran ko.
"Close na kayo 'no?" Hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong ni Yana.
"Ay ay ay oh! Yung ngiti. Iba eh! Masyado ka ng inlab dyan kay Minghao" pang-asar niya. Siraulo talaga.
"Sira. Oo naman close na kami. Uhm, he wanted me to call him by his nickname so I guess okay kami?" matapos kong sabihin iyon ay niyugyog niya pa ako dahil sa kilig niya.
"I support you both, mamsh! Kinikilig ako shet" tinawanan ko lang siya. Si Kuya na lang ang walang alam about dito. Kinakabahan ako.
Sana hindi siya magalit.
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang ilagay ka sa kapahamakan❞ ➳In which Jaycee Lee needs to watch of Xu Minghao for her mission ➤ Xu Minghao x Reader [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗𝚊𝚛𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗] ︴SEVENTEEN Fanfiction (MINGHAO...