THIRD PERSON'S
"So for our Physical Education, we will play some games!" Nagsihiyawan ang mga estudyante. Marami ang may gusto ng asignaturang ito sapagkat maraming laro at activities ang pinapagawa sa kanila
"So first game will be Dodgeball. Group yourselves into 2 groups" kaagad nilang sinunod ang sinabi ang guro at hinati ang buong seksyon nila sa dalawang grupo
"Wag na yan si Minghao, ang pahat payat niyan oh. Baka matalo lang tayo" reklamo ng kaklase niya. Nanatiling wala ekspresyon ang mukha nito sa narinig. Napailing na lamang si Jaycee at lumapit sa kaklase niya.
"Napaka mo! Sa atin na si Minghao. Masyado kang judgemental. Hindi mo naman nakita maglaro 'to" sabi nito at saka umismid sa babae. Walang nagawa ang kaklase nila kundi tanggapin si Minghao.
"Taya ang group nila Jaycee. Kayo ang unang kailangan makatama sa kabilang team" she immediately grab Minghao's wrist at pinwesto ito sa tabi niya.
"We'll win this!" Nakangiting sabi niya kay Minghao. Napailing na lang at binata atsaka ibinalik ang attensyon sa laro.
Nagsimulang bumato ang grupo ni Jaycee at may natamaan agad ito.
"Jaycee, ikaw na" sabi ni Mina sabay bigay ng bola kay Jaycee. Ngumisi si Jaycee at natamaan agad ang dalawang kaklase niya sa kabilang team.
"Nice!" Rinig niyang sabi sa kanya ng kaklase niya.
"Jaycee, isa pa. Go!" Ngumiti lang si Jaycee at humarap kay Minghao.
"It's your turn" bahagyang natulala si Minghao sa ginawa ni Jaycee pero natawa na lang ang dalaga at agad na ibigay ang bola kay Minghao
"Jaycee naman-" hindi natapos ang sasabihin ni Jimin dahil tinignan siya agad ng masama ni Jaycee.
Nagsimulang bumwelo si Minghao at buong lakas na ibinato ang bola ngunit wala itong natamaan. It made him kinda annoyed. Ito ang ayaw niya eh.
"Loser" inis siyang tinignan muli ni Jaycee kaya sa takot niya sa dalaga ay nag-iwas na lamang ito ng tingin
"Mina, ikaw naman bumato" bumwelo agad si Mina at buti na lamang at may isa itong tinamaan
"Nice one!" Cheer ni Jaycee. Nginitian lang siya ni Mina at agad na ibinalik ang bola kay Jaycee
"Minghao, you should try once again" nakangiting sabi ni Jaycee sa kanya. Bumuntong hininga si Minghao at kinuha ang bola kay Jaycee.
"Go Minghao!" rinig niyang cheer sa kanya ni Jaycee. Patago itong napangiti at bumwelo para sa muling pagbato nito sa kalaban.
This time, nakatama siya ng tatlong tao mula sa kabilang team.
"Woaaaah! Sabi ko naman sayo kakayanin mo eh!" Masayang sabi ni Jaycee sa kanya at niyakap ang binata sa saya.
He secretly flashed a little smile pero agad na binalik ang straight face nito ng bumitaw si Jaycee.
"S-sorry" hindi na sumagot si Minghao at muling tumingin sa guro nila nang magsalita itong muli.
-
"Our next game will be tug of war" naglabas ng mahabang lubid ang guro nila.
BINABASA MO ANG
❛Target❜ ┇SEVENTEEN's Minghao✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang ilagay ka sa kapahamakan❞ ➳In which Jaycee Lee needs to watch of Xu Minghao for her mission ➤ Xu Minghao x Reader [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗𝚊𝚛𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗] ︴SEVENTEEN Fanfiction (MINGHAO...