1

124 20 55
                                    

Church

It's a hot sunny Sunday. Kadarating lang namin dito galing Maynila. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa palengke sa Tuguegarao para mamili ng mga kakailanganin sa bahay namin sa Tuao.

"Nakabusangot ang dalaga," nilingon ko agad si Kuya na nang-aasar. I hate being here. Malayo sa syudad at tahimik, hindi katulad sa Maynila. Hindi pa nakatulong ang mainit na panahon sa nag-iinit kong ulo. Right! It's summer, that explains why it's so hot.

Napansin ko ang mga titig ng mga tao. Ganito lagi ang senaryo kapag may taga siyudad na dumadayo, laging sentro ng atensyon. Kung ang iba ay gusto ang atensyon, ako hindi. I find it very annoying. Nagpatuloy na lang ako sa pamimili.

Pagkatapos ay dumiretso na kami agad sa sasakyan pagkatapos mamili. Ramdam ko agad ang init sa loob, tumatagos ang sinag ng araw sa may harap kaya napagpasyahan kong sa likod na lang umupo. Agad ngumisi si Kuya sa ginawa kong paglipat, tinarayan ko na lamang ito.

"Magpahinga kayo pagkarating natin doon, magsisimba tayo mamayang gabi kasama ang Tita niyo," sambit ni Papa.

Pinaandar na ni Papa ang kotse kaya tumingin nalang ako sa daan, inaantay ang antok ngunit hindi ito dumating. I admit, I was unable to get a word out of the view.

The way the wind blew to the leaves of mango trees was exquisite, and the way the sun touched the Cagayan river was captivating. Although I hated being here I can't deny the fact that I fell in love with the scenery here- no! I won't fall inlove to this place twice.

"Papa, punta tayo ng Callao Cave! Balita ko ay maganda raw doon," suhestiyon ni Kuya. Maganda nga doon, nakita ko sa internet at maganda ring pakinggan ang ideyang magkakasama sama ulit kami ng mga kamag-anak namin sa outing. Patuloy ang pagkukwento ni Kuya, gustong gusto niya talaga dito.

Pagkatapos ng mahigit isang oras, nakarating na rin kami sa bahay namin.

"I missed you, Naruangan!" Sigaw ni Kuya sa harapan ko. Inirapan ko na lang ito. Tinulungan ko silang ilabas ang mga bagahe at pinasok sa bahay. Maayos ang bahay at maganda ang hardin. Malinis ang bahay dahil tuwing Huwebes may naglilinis dito, si Ate Alena na tagabantay dito. After helping them out, I went to my room and slept for hours. The long ride was tiring.

Ginising na lang ako ni Kuya para mag merienda.

"Tapos, Pa, kanina nagpunta po ako sa may tabing ilog! Ang ganda doon! Presko pa!" Kwento ni Kuya sa mga ginawa niya ngayong araw na halatang tuwang tuwa sa pagbisita sa ilog.

"Pa, bukas kikitain ko ang mga kaibigan ko dito ha? Magsusungkit kami ng mga mangga," Mas matanda si Kuya sa 'kin ng apat na taon pero parang mas bata pa siya sakin kung umakto. Mapang-asar pero maaasahan naman pagdating sa pag-aaral. Mabilis akong mairita sa kanya lalo na pag ganitong nagkukwento siya ng kung ano-ano.

"Ikaw, Ave? 'Di mo ba kikitain ang mga kaibigan mo dito?" Ave! That name again!

"We'll stay here for a month, Papa. I have a lot of time to do that." I answered politely. I only have a few friends here.

"Alright, iha. Just tell me so I can give you money." Tumango nalang ako bilang sagot.

"Papa, how about me? Pahingi rin!" Bulyaw ni Kuya. Ako lang ang inaalok ni Papa ng pera dahil 'di naman ako laging nanghihingi. Kung ano ang monthly allowance ko, ipagkakasya ko na iyon kabaliktaran ni Kuya na malakas gumastos.

"Tigilan mo 'ko, Vaughn," masungit na sambit ni Papa, napanguso naman si Kuya.

"Maligo na kayo pagkatapos niyong kumain, magsisimba pa tayo," sabi ni Papa at nagpatuloy si Kuya sa pagkukwento. Pagkatapos namin kumain ng meryenda, pumunta na ako sa kwarto para maligo.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now