Kuya
He sent me a good morning text and asked me how I'm doing in Cagayan. Rereplyan ko na lang siya pag-uwi ko. Naisip ko tuloy kung kumusta na rin sila.
Mas maaga kasing nagsimula ang klase nila. Jairus stared at me as I munch on the egg sandwich I bought from the canteen.
"Kumusta naman ang klase niyo?" He asked after sipping on his mango juice. I finished my last bite before talking to him.
"Okay naman, nothing much. Puro introduction pa lang kanina. How's yours?"
"Okay din. Buti pumayag ka na makipag kita sa akin." Sambit niya habang lumilinga linga sa mga tao.
Marami ring mga estudyante ang nasa labas. Ang iba ay nasa loob ng canteen at sirok mangga. Magkalapit lang naman ang covered vines pergola at canteen kaya nakikita ko sa malayo sila Pauline.
"Well, there's nothing wrong with seeing you out here, right? We're.. Friends after all." Marahan kong sambit.
"Right." Tinawanan niya ako at nag patuloy kami sa pagkain. Pinaningkitan ako ni Pauline ng mag tama ang tingin namin. Ano kaya ang iniisip niya?
Mateo saw me from afar too. I just smiled at him. He stared at me before avoiding his gaze. Sungit naman.
Namataan ko si Jairo sa kanilang pwesto kahapon, kaharap nila Pauline. Ramdam ko ang tensyon nila, tinitignan ko pa lang. Nakita niya rin ako at nag simulang mag lakad papalapit sa pwesto namin.
"Hoy! Bakit kayong dalawa lang ang nandito? Nasaan sila Moren?"
Oo nga pala. Hindi ko rin sila nakita kahapon. Nasa kabilang dulo yata ang classroom nila. Nag kibit balikat lang ako sa kanya. May tinuro naman siya sa likod ko. Nilingon ko 'yon at nakita sila Moren na nagtatawanan. Kinawayan ko sila.
Sakto namang tumunog na ang bell, hudyat na kailangan na namin bumalik sa klase. Nagpaalam ako sa mag kapatid at dinaanan sila Pauline para sabay na kaming pumunta sa building ng mga senior high school.
Jairus thanked me for meeting him earlier. He doesn't have to though. We're friends. No big deal, right?
Keith was in the doorway when I walked towards our classroom. Wala pa ang guro.
"Wow, tignan mo may nakapatong!" Sambit niya at may itinuturo sa labas. Nilingon ko yun at bubong lang naman ng kabilang building ang nakita ko. Hinarap ko siyang nakakunot ang noo.
"Huh? Wala naman!"
"Meron oh, ayun," Nakanguso pa rin siya at may itinuturo pa rin. Tinignan ko ang kamay niya. Napasimangot ako. Ang mga daliri niya ang magkapatong.
"Gago ka ba?" Pinalo ko siya sa balikat at dumiretso na sa upuan ko. Tinawanan niya ako at umupo na rin sa tabi ng mga kaibigan niya. Tinarayan ko ito ng nagkatinginan kami.
Medyo inaantok na ko habang nagtuturo ang teacher namin dahil nabusog ako sa kinain kanina. Pilit kong idinilat ang mata ko.
Nasa unang hilera pa naman kami sa harap. Kitang kita kung sino ang makakatulog. Okay na rin 'to dahil wala pa akong eyeglasses.
Nagkatinginan ko ang isa sa mga babae kong kaklase. Maganda siya at matangkad. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya ng patago.
The class finally ended. I took a 5 minute nap. Nang magising ako ay wala pa rin ang susunod na guro. Inayos ko ang buhok ko.
Nilingon ko ang mga maiingay kong kaklase at nahuling tinuturo ako ng isa sa mga kaibigan ni Keith. Umiwas ako ng tingin. Hindi niya naman ako nginitian kaya bakit ko siya ngingitian? Tsaka bakit niya ba ko tinuturo? O baka hindi pala ako yung tinitignan niya. Hehe.
YOU ARE READING
Summer of 2012 (CVS # 1)
Fiksi RemajaAvery Lacuesta Velasquez, a city girl who once loved Cagayan, but a painful event happened, making her promise herself not to get attached to that place again. "If I let myself fall in love with this place again, I'll regret it." She minded. Not wa...