Bottled water
Naging mabilis ang panahon, isang buwan na kami rito. Unti unting nagiging madali sa'kin ang araw-araw sa Cagayan, gigising ng tanghali, kakain at maliligo. Sa hapon naman, magbibisikleta o kaya tatambay sa tabing ilog kasama ang mga kaibigan ko. Uuwi ng alas singko, kakain tapos matutulog. It was my daily routine.
Minsan tatawagan ko ang mga kaibigan ko sa Manila para kamustahin o makipag kwentuhan. Lagi pa rin nag tetext sa akin si Jairus. Simula pag gising at bago matulog, may text 'yan. Kapag nauubusan siya ng load, ipapasabi niya kay Adam. Wala naman akong pake kung mag text pa siya o hindi.
Malapit na mag Hunyo ibig sabihin ay malapit na rin ang pasukan, baka umuwi na kami sa susunod na buwan. Kaya ngayon, hindi na muna ako masyado lumalabas at sumama kila Moren. Sinasanay ko na ang sarili ko na manatili sa loob ng bahay, ganoon kasi ako sa Manila. Minsan lang lumalabas kapag naimbitahan o kung gustong gumala.
Maaga akong nagising ngayong araw at hindi ko alam kung bakit. Alas tres na ako ng madaling araw nakatulog tapos alas sais ako magigising? Sinong hindi maiinis doon? Bumaba na lang ako para mag kape.
Pagkababa ko, naabutan ko si Papa sa dining table na nag aalmusal habang nagbabasa ng diyaryo. Hindi niya ko nilingon kaya hindi ko na rin siya pinansin.
"Uuwi na tayo next month," sambit niya nang hindi ako tinitignan.
"Okay." Maikli kong sagot at kumuha ng baso. Nag lagay ako ng kaunting krema at asukal sa kape. Hindi ko maiwasang hindi ikunot ang noo. Ito ang mahirap sakin, kahit hindi ako nag sasalita, makikita pa rin sa mukha ko ang inis.
Hindi ko rin alam kung bakit naiirita ako kay Papa. Baka kasi hindi pa ko nakakapag kape o baka maaga akong nagising at hindi na muling nakabalik sa pag tulog.
Sinulyapan ko si Papa habang sumisimsim sa kape at nagkatitigan kami. Malamig ang kaniyang tingin. Umiwas na lang ako at nag lakad papunta sa sala.
Anong gagawin ko? Hindi naman ako mahilig manood ng tv! Magmumukmok na naman ba ako sa kwarto? Wala rin naman akong magagawa doon.
Sa huli, napag pasyahan kong umupo sa duyan. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao. Tahimik pa sa labas at nag wawalis pa lang ang mga taong palagi akong nililingon. May iilang tao rin sa harap at bumibili ng pang ulam. May talipapa kasi sa harapan namin.
Sa katabing bahay ng talipapa, nakita ko ang isang binatilyong nakatingin din sa gawi ko. Naka-upo siya sa upuan na gawa sa bamboo. Nakakunot ang noo habang tinitignan ako. Tinaasan ko ito ng kilay. Ano bang tinitingin tingin mo?
Lord, please, bakit ganito? Gusto ko pang mapalapit sa inyo pero parang sinusubukan talaga ako ng mga tao ngayon. Hindi naman mahaba ang pasensya ko at mabilis akong mairita. Hindi ko alam kung hihilingin ko bang magkaroon ng mahabang pasensya o hilingin ko na huwag akong tignan ng mga tao.
Umiwas din ng tingin ang binata at nilapitan ang isang lola na gumagawa ng kung anong pagkain. Ano bang tawag doon? Yung malagkit na nasa dahon ng saging? Hindi ko alam ang tawag, pero masarap 'yon. Marunong gumawa si Tita non eh.
Tinignan ko na lang ang isang mama na nakasakay sa malaking kalabaw at may nakatali pang maliliit. Buti na lang hindi ko piniling maglakad lakad, baka mataranta ako at tumakbo. Takot pa naman ako sa kalabaw, lalo na at ang laki nitong tinitignan ko.
Mag aalas syete na, nakita ko ang iilang lalaki at babae na nakasuot ng puting uniporme. Yung parang sa mga martial artist? Ganoon ang suot. They looked so cool wearing that. I learned self-defense moves when I was a kid. Parang gusto ko tuloy maghamon ng away.
Susuotin ko na sana ang earphones ko para makinig ng kanta ng Eraserheads nang sunod sunod na may dumating texts. Umirap ako sa kawalan. Syempre, sino pa ba?
YOU ARE READING
Summer of 2012 (CVS # 1)
Novela JuvenilAvery Lacuesta Velasquez, a city girl who once loved Cagayan, but a painful event happened, making her promise herself not to get attached to that place again. "If I let myself fall in love with this place again, I'll regret it." She minded. Not wa...