3

50 8 23
                                    

Congratulations

I woke up by a loud ring of the alarm from my phone. It's only 7:30 in the morning. Why did I set on an alarm that early? Ah, I wanted to have a productive morning. I literally have nothing to do at all today. I'll stay in my bed until my brother decides to call me for breakfast.

I got my phone and turned off the alarm. I scrolled through my social media accounts. Likes, comments, puro ganoon lang. Walang ibang balita.

Pagkatapos ng isang oras, kinatok na ni Kuya ang pinto at tinawag ako para kumain. "Kain na tayo!" Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago bumaba.

Narinig ko ang malakas na tawanan, sa tingin ko'y nasa apat na katao. Sila Tita Liahna at Pauline pala. Nadatnan kong nagsisitawanan sila sa mga biro at kwento ni Kuya. Nginitian ko sila at umupo na. Nagsimula na kaming kumain.

"Ave, gusto mo bang sumama sa amin sa Tugue? Mamimili kami ng mga bagong damit mamaya," iiling na sana ako para tumanggi nang mabilis na sumagot si Papa, "Isama mo na siya, wala naman siyang gagawin o pupuntahan ngayong araw."

Napabuntong hininga ako pero sumagot din, "Sige po,"

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto para maligo at mag-ayos. Nagsuot ako ng simpleng kulay rosas sa tshirt, maong pants at sandals.

Nagpadala ako ng mensahe kay Moren dahil sigurado akong pupunta sila dito mamayang hapon para sunduin ako, at sigurado akong aabutin kami ng gabi sa Tugue lalo na't kasama si Tita Liahna.

To Moren:

morning, wag na kayo pumunta mamaya dito. punta kami tugue.

Habang pababa sa hagdan, naabutan ko si Papa na naghihintay. "Ingat kayo doon ha, 'wag kang hihiwalay sa kanila o 'di kaya magtext ka sa kanila." Sambit niya sabay abot sa'kin ng limang kulay asul na pera.

Tumunog ang kaniyang cellphone, dahilan kung bakit hindi ko na natanggihan ang perang iniabot niya. Napakibit na lang ako at dumiretso sa van na pagmamay-ari ni Tita.

"May mga gusto ka bang bilhin, iha? Gusto mo ba mag-ikot doon? Meron ka bang.." at nagpatuloy ang pagtatanong at pagbibilin ni Tita hanggang sa makarating kami sa pupuntahan. Iisa pa lang ang mall dito at ang iba ay ginagawa pa lang.

May mga pasyalan din pero malalayo ang distanya, may mga bilihan ng iba't ibang gamit, may mga bilihan ng prutas at gulay, at may isang malapit na ospital. Ang ospital kung saan nanatili si Mama.

Bawal pa ang mga bata na wala pa sa edad na labing-walo. Pero dahil kinse pa lang ako noon, ginagawan nalang namin ng paraan dahil salit salitan kami ni Tita sa pagbabantay.

Madalas ay sa chapel ako natutulog tuwing si Tita ang nag-aasikaso kay Mama. Ginigising pa ako ng mga guard kaya wala akong ibang pagpipilian bukod sa manatiling gising.

"Mommy, puwede sa KFC po tayo kumain ng lunch?" Rinig kong sabi ni Pauline. "Ay magaling ka, kararating lang natin at wala pa tayong napapamili, lunch agad ang nasa isip," sermon ni Tita.

Pumasok kami sa tindahan ng isang sikat na brand at nagsimula silang mamili. Hindi naman ako mahilig sa mga damit kaya nagtingin lang ako, walang balak na mamili.

"Mommy, I want this one."

"I like these! Look, Ave!"

"My, so pretty oh, I'll buy this."

Walang sawang pamimili ni Pauline. Pinagmasdan ko lang ang mag-ina, napapangiti sa nakikita. Kasama ko rin lagi si Mama sa pamimili, pero sa palengke. Naaalala ko pa na kahit madami naman kaming kasambahay ay mas pinipili niya pa rin na siya ang mamili at madalas akong sinasama.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now