2

61 10 46
                                    

Painting

"Di ka talaga sasama sa amin?" Pangungulit ni Kuya sa panglimang pagkakataon. I didn't say anything and went upstairs to go to my room.

"Sure? Final answer? Lalabas na ko ha! Text mo ko kapag naisip mong lumabas!" I heard him saying something before I slammed the door. I sighed. I'm still sleepy, we had a tiring day yesterday. I sat on my bed next to the window.

Alas onse na kasi kami naka-uwi kagabi, hindi pa ako makatulog ng maayos dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Dito kami tumira noon ni Mama, pag mamay-ari niya itong bahay.

Ako ang nanatili dito noong 2010 para bantayan siya. May sakit siya, Ovarian Cancer, akala namin magiging okay na siya pagkatapos niyang maoperahan. Kaso lang hindi nakapaghintay si Mama at bumyahe patungo dito para sa reunion nila ng mga kaibigan niya kahit bawal pa siyang bumiyahe palabas ng Manila.

Pagkatapos ng ilang linggo niyang pananatili dito, naconfine siya at agad kaming umuwi dito. Sinabihan kami ng doctor na hindi muna siya pwedeng bumiyahe dahil may komplikasyon sa nauna niyang operasyon. Kailangan niya ng tutok na pagbabantay, at ako ang nagpaiwan dito.

Maraming ginagawa noon si Papa sa trabaho, at mas pinili niyang 'yon ang asikasuhin dahil marami naman akong kasamang kamag-anak na magbabantay kay Mama.

Si Kuya Vaughn naman, nasa States dahil pinag sanay siya ni Papa para matuto tungkol sa business namin. Bumuti naman ang kalagayan ni Mama at bumalik ang lakas niya, nakita ko ang pagpupursigi niya para lang gumaling siya.

Napamahal ako sa lugar na 'to dahil binigyan niya ako ng rason para mahalin ito kahit pa ayaw na ayaw ko ang buhay probinsya. Tuwing natutulog siya sa hapon, lumalabas ako at namamasyal sa tabing ilog para magpahangin.

Bumuti ang kalagayan niya, lumakas ulit siya, nanghina at.. nawala. Lahat ng 'yon ay nangyari sa loob ng dalawang buwan na pananatili ko dito.

Tumunog ang cellphone kong nakapatong sa side table, inabot ko ito.

From Moren:

i heard u're back, grabe ka di mo kami minessage : (

Napasinghap ako. Bukas ko pa talaga sila balak puntahan dahil nagrerecharge pa ako ng social energy.

To Moren:

yes, sorry abt that, i had a tiring trip

I replied, having no plans to see them today. I put down my cell phone on the side table and got my paper. I have nothing to do, I'll just paint what's on my mind. After a few minutes, I finished my painting. Nagpinta ako ng isang lalaking nakaharap sa may ilog. Mas tinutukan ko ang mga detalye sa may ilog. I don't even know why I drew a guy. Panira lang pala ng view.

Ano kayang pwedeng gawin? Kung bababa ako baka makasalubong ko lang si Papa. Kung sumama naman ako kay Kuya ay wala din akong gagawin don kundi ang manood kung paano sila manungkit ng mga mangga at pakinggan ang mga kwento nila tungkol sa mga laro.

Sa huli, napagpasyahan kong tumambay sa terrace ng bahay para panoorin ang mga batang naglalaro sa labas.

How I wish I'm still a kid, walang pinoproblema, puro laro lang pero kung babalik lang ako sa pagkabata baka manatili nalang ako sa bahay para makasama ang pamilya ko. Yung pamilya ko noon, yung masaya at buo.

Mas lalong lumalim ang iniisip ko. Talaga bang buo ang pamilya niyo dahil hindi magkahiwalay ang magulang ninyo? Paano mo masasabing buo ang pamilya mo kung magkakasama nga kayo at hindi naman kayo masaya? Napasinghap ako. Ang dami kong tanong pero walang lumilingon sakin na may dalang sagot.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now