4

48 8 34
                                    

Miss

"What?" Tanong ko kay Kuya nang maabutan ko siyang nakapalumbaba sa may dining room at nakatingin ng masama sa'kin.

"Waiting for you? Duh." Maikling sambit niya. Tinaasan ko siya ng kilay. It's already 1 in the afternoon, late akong nagising dahil napagod ako sa lakad namin kahapon. Lagi naman siyang kumakain sa tamang oras kaya imposibleng walang rason ang pag hintay niya sakin. May kailangan 'to.

Umupo na lang ako at kumuha ng pagkain. Nanatili ang kaniyang tingin sakin at nakuha pang ngumuso. Naiirita na ko sa tingin niya. "Alright, what do you need?"

"May pera ka?" Agad niyang tanong. Tinarayan ko siya at kumuha ng two hundred pesos sa wallet at nilapag 'yon sa lamesa. Napalitan ang masama niyang tingin kanina ng isang maaliwalas na mukha. Nagpatuloy kami sa pagkain.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko.

"Basketball, pustahan kami later," Sagot niya. Ang laki laki ng katawan, sporty type tapos conyo?

"Sino yung nag hatid sayo kagabi?" Hanggang ngayon ay kinukulit niya pa rin ako tungkol kay Jairus.

"Wala, kaibigan namin."

"Okay," Sagot niya at hinabaan pa talaga ang 'kay' na para bang hindi siya naniniwala. Hinayaan ko na lang siyang mag-inarte at tinapos ang pagkain. Iniwan ko sa lababo ang plato ko at pumunta sa kwarto. Siya na ang mag hugas non. Nanatili lang ako sa tabi ng bintana at tumingin sa labas.

It's now 1:30 in the afternoon, some kids were out to play. It's so hot, how can they play in such temperature? Sabagay, walang pinipiling panahon ang mga bata. Wala silang pinoproblema.

I remembered my two male friends here, Keith and Adam. We were friends, even before I met Moren and Rose. I found out recently that they were also close. It's like a circle of friends.

Lumipas ang oras na nakahiga lang ako sa kama at napagpasyahan ko nang maligo. Nag bihis ako at nag blow dry ng buhok bago bumalik sa pagkakaupo. I scrolled through my social media accounts. They would text me by now, for sure.

Just like what I expected, my phone beeped.

Moren:

girl tara sm? tabing ilog sm

Hindi na ako nag tipa pa ng reply at lumabas na ng bahay. It was still hot, so I brought an umbrella with me. I also brought my cell phone and two hundred pesos, just in case I need money.

Sa hindi kalayuan, naaninag ko na agad ang likod ng mga kasama nila Moren. I saw the back of three guys, the other one was probably Jairo or Jairus. The other two were.. I don't know? I hope it's someone I know.

"Avery!" Sigaw ni Rose nang makalapit na ako na siyang rason kung bakit sila napatingin sa gawi ko. Kinawayaan ko ang dalawang lalaki, nagulat pa sila nang makita ako. Tinakbo ni Keith ang distansya namin at niyakap ako. Sinuklian ko rin siya ng mahigpit na yakap habang si Adam ay nanatili sa kaniyang pwesto.

"Ang tagal mong hindi bumalik dito!" It was just a year or two. Nginisian ko na lang siya. Nandito naman na ako kaya bakit pa mag rereklamo?

Magkasing edad kami ni Keith pero mas matanda ako sa buwan. My birthday is in March while his birthday is in December. Pauline is close to him too, since we were always together.

I went near Adam and patted his head. He is two years younger than me, but he doesn't call me 'Ate'. I'm comfortable with him, he knows a lot about me.

"Di ka pa rin tumatangkad?" I teased.

Hinawi niya ang kamay ko at nilagyan niya ito ng mangga. Ang sungit! Palibhasa ay nagbibinata na. Tumabi na lang ako kay Keith at nag handa para sa mga kwento at katanungan niya.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now