6

32 3 24
                                    

Texts

Pagkatapos kong ibaba ang tawag namin ni Ethan, pumasok na kami sa loob ng bahay ni Debbie. Wala naman na kaming napag-usapan pa ni Ethan, sinabi ko na lang na sasabayan ko na lang ang mga trip ni Jairus, pero kung 'weirdo' man siya, paalam na lang.

Dumating na rin sila Tita at Nhadia galing Cagayan Valley Medical Center, nag papanggap lang pala si Nhad na may nararamdamang sakit. Umamin lang nang malaman niyang kailangan niyang dumaan sa iilang test. Natakot yata sa resulta ng masama niyang ginawa kaya umamin ng wala sa oras. Sayang ang isang linggong pagkukunwari niya.

"Late na, dito na lang kayo matulog." Sabi ni Papa kila Tita. Paniguradong sa kwarto ko matutulog si Debbie habang si Tita at Nhadia ay mananatili sa guest room dahil ganoon naman lagi ang ayos tuwing dito sila mananatili o matutulog.

Nag kusang loob na akong mag hugas ng plato dahil ayoko pang pumasok sa kwarto, nauna na si Debbie at nag shower doon. Baka nakatulog na rin siya dahil hindi na siya bumaba pa.

Tunog nang tunog ang cellphone ko habang nag huhugas ng pinggan. Hinayaan ko lang 'yon. Naghilamos ako at nag sipilyo sa banyong kalapit lang ng kusina namin.

Habang nagsisipilyo ako, tumawag na naman ang parehong numero na tumatawag kanina. Napag pasyahan kong sagutin 'yon, baka sakaling maturn off ang tumatawag dahil sinagot ko ito habang nagsisipilyo. Mga linyahang 'kababae mong tao'. Hehe.

Inantay ko itong mag salita ngunit ang pag hinga niya lang ang naririnig ko.

"Hello," I said and continued brushing my teeth.

"Hi." Bungad ng isang malalim na boses.

"Sino 'to?" Tanong ko kahit pa kilala ko na kung sino ang may-ari ng nahihiyang boses.

"Si Jairus.. anong ginagawa mo?" He asked, as if he's short of breath every time he utters a word.

Nilapit ko ang bibig ko sa microphone at tinapos ang pag sisipilyo, "Toothbrush."

"Oh, halata nga." Sagot niya at bahagyang tumawa.

"Marunong ka ba mag Ilocano?" Nakakaintindi ako ng onting Ilocano pero hindi ako marunong mag salita nito. It was as if they were speeding up their speech that's why I couldn't catch up when they speak.

"Hindi," maikling sagot ko at lumabas ng banyo.

Sumandal muna ako sa malapit na lababo. Baka magising ang mga natutulog sa ikalawang palapag.

"Gusto mong turuan kita?"

"Sure!" I said, trying to cheer up my voice so that it wouldn't be obvious that I didn't feel like talking to him.

"Hmmm, anong gusto mong matutunan?" He asked. Hagikgik pa lang ng kaniyang kasama niya ay alam ko na agad kung sino 'yon.

"Anything," sagot ko at umupo muna sa mahabang upuan na pinagawa namin sa dati kong manliligaw.

Tumahimik nang sandali ang kabilang linya bago siya mag salita muli, "Alam mo yung 'ay ayaten ka'?"

"Hindi, what's that?"

"Hmmm, ibig sabihin ay.."

"What?" I asked, losing my patience. I want to sleep.

"Mahal kita, uh, ibig sabihin noon ay mahal kita."

We both stayed silent because of the awkwardness we feel. I can't imagine the face of his companion, Alvin, who may be feeling the secondhand embarrassment Jairus gave him.

Alright, that's it!

"Ah sige, good night na." Sambit ko, hindi na hinintay pa ang sasabihin niya at binaba ang tawag.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now