12

16 0 0
                                    

It's finally Wednesday. My brother woke me up early to fetch Papa to the airport. Our breakfast was quick and silent. No one dared to talk and open up a topic.

Si Manong Wilmar, Tito Amolo, Papa at Kuya ang kasama namin sa pag hatid kay Papa. Dumaan pa muna si Papa sa mansion para mag paalam kila Lola.

Tahimik lang kami ni Kuya at may sari-sariling pinagkaka-abalahan sa cellphone. Ang dalawang matalik na kaibigan naman ay nag kukwentuhan.

"Ave, can you stop rolling your eyes?" Bulong ni Kuya sa'kin. What?

"Aalis na si Papa, 'di pa rin kayo okay."  Tinarayan ko na lang ito. Narinig ko ang malalim na pag buntong hinga niya, napalingon tuloy ang dalawa.

"Huwag kang mag-alala, hijo. Malapit lang naman ang bahay namin, puwede kayong pumunta roon kahit ano pang oras," Sambit ni Tito Amolo. No thanks. Going to other people's houses means socializing. And I'm allergic to that.

Lumipas ang ilang oras at nakarating din kami sa Cagayan North International Airport. Mas kaunti ang tao kumpara sa NAIA, mas malinis at mukhang organisado. We ate a late lunch before bidding our goodbye to Papa.

"Take care of your sister, Vaughn. See you in a few months." I heard Papa saying. Yeah, take care of me.

Kuya and Tito Amolo were waving their hands as they watched Papa enter the gates. Tinarayan ko lang ang nag lalakad palayo. Tinaasan ako ng kilay ni Manong Wilmar na pinapanood ang facial expressions ko. Tinawanan ko siya. Hehe.

Napa-iling na lang ako at naunang nag lakad papasok sa kotse. Sumunod naman sila Kuya at tahimik na pumasok. Walang ibang nag sasalita at tanging musika lang galing sa radyo ng kotse ang naririnig. Paminsan minsan ay nag-uusap sila Kuya at Tito.

Madali ko rin pinuputol ang usapan namin tuwing isinasali nila ako. Can I just put a stash around me that says "I'm not in the mood today, please don't talk to me." because I badly need it.

Mabilis kaming naka-uwi at nanatili lang ako sa bahay. Si Kuya naman ay may inayos lang saglit sa kwarto tungkol sa mga requirements niya at lumabas na rin para mag basketball. Ang tanging makakasama lang namin sa bahay habang wala si Papa ay sina Ate Alena at Manong Wilmar.

Nanatili lang ako sa loob ng kwarto buong mag damag at nag advance reading sa mga posibleng tatalakayin namin.

"Studying? Next week pa ang pasok. You should enjoy the remaining vacation days." Nilingon ko si Kuya sa pintuan. I forgot that I left my door open.

"4 days before our pasukan. Anong gusto mong gawin?" He asked, and sat down on the edge of my bed.

Marami kaming ginawa ngayong bakasyon. Nag punta kami sa Callao Cave katulad ng gusto ni Kuya. Kasama namin nag punta roon ang buong mag-anak. Masaya silang lumalangoy at nag kukwentuhan habang ako naman ay nanatiling tahimik sa cottage habang kumakain. Minsan ay sumasama rin ako sa kanila. Pumunta rin kami sa loob ng Cave. Nagkasunburn pa ako dahil buong araw kami roon.

Maraming lugar kaming napuntahan kasama ang mga Lacuesta. Mas madalang lang ang pag-alis ng mga Velasquez kaya kakaonti lang ang mga kakilala ko sa kanila.

"Wala, I'll just stay here or go out with my friends." Ito na yata ang pinaka kalmadong pag-uusap namin ni Kuya marahil alam naming dalawa na hindi maayos ang huli naming pag-uusap ni Papa bago siya umalis ng bansa.

Madalang na lang din siguro ang pag kikita namin ni Kuya dahil mananatili siya sa Tuguegarao dahil doon malapit ang kaniyang pinapasukan. Uuwi lang siya rito kapag Sabado at Linggo.

Tumango lang ito sa'kin at nag paalam na maglalaro ng basketball kasama ang kaniyang mga kaibigan. Baka pumunta rito sila Moren katulad ng ginagawa nila dati.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now