9

17 1 4
                                    

Stay

Maaga akong nagising para diligan at paarawan ang mga halaman. Katatapos ko lang kumain ng tanghalian kasama sila Papa at Kuya. Tahimik lang kaming tatlo sa hapag kainan, ramdam ang tensyon sa pagitan namin ni Papa.

Dinamdam ko ang daloy ng tubig na bumabagsak sa aking katawan. What is wrong with these people? Or is there something wrong with me? Why are they being distant? My father's not talking to me, my brother's quiet a while ago when we were eating or maybe he's just not in the mood? Jairus is kinda acting odd too.

Bungad pa rin naman ang text ni Jairus, nagtetext tuwing almusal, tanghalian at hapunan para ipaalalang kumain ako, hanggang sa pag tulog siya ang huling magtetext.

Pero ngayon parang may nag-iba sa pakikitungo niya, puro na lang siya bati sa umaga at gabi. Hindi na niya kinikwento ang nangyari sa araw niya.

Well, I don't care though.

Dahil ilang linggo ko nang hindi nakakasama sila Moren at paniguradong nagtatampo na sila, naisipan kong pumunta mamaya sa sirok mangga. Wala naman silang training tuwing Thursday kaya baka nandoon din si Jairus.

Tinapos ko ang pag ligo at nag bihis. I wore a black t-shirt and gray shorts, kadalasang kulay na sinusuot ni Jairus. Si Jairo naman, madalas sando at mahilig sa kulay pula. Bakit ko ba iniisip ang mag kapatid na 'yon? Hay naku!

Pinatugtog ko muna ang paborito kong kanta sa kalimba habang hinihintay na lumipas ang oras. Mamaya na ako pupunta doon kapag medyo malilim na. Mainit pa kasi at nasa labas pa ang araw. Nag cellphone rin ako nang mag sawa sa pag tugtog.

I scrolled through my social media accounts and ended up scrolling to Jairus' messages. See? May nag bago talaga, 'di ko lang masabi kung ano.

Parang ang sigla sigla nung mga naunang niyang text samantala ngayon parang ang sungit. Iba talaga. Dahil ba walang exclamation point? Baka dahil may tuldok na ngayon? O baka binasa ko lang sa masungit na tono?

E ano naman ngayon? Hay naku, bakit ko ba pinoproblema kung may nag bago nga sa pakikitungo niya, hindi ko naman siya gusto.

Napalumbaba na lang ako, nataranta pa sa pag tawag ng pamangkin kong si Obrien. Akala ko naman kung sino. Ang kulit nito. Tawag nang tawag sa messenger, e halos araw-araw ko naman siyang nakikita sa labas.

"Hi, Ate Ave!" Sambit niya habang pinapakita ang lugar kung na saan siya. Tignan mo ang batang ito, nasa tapat lang pala ng bahay at nakikiduyan pa. Diyos ko.

"Hello, Brien." I said smiling, but more like, gritting my teeth. Hindi ko rin alam kung bakit naiirita ako.

"Ave!" Bungad ni Adam sa camera. Isa pa 'to e. Araw-araw sa tapat ng bahay namin. Bakit nga ba sa dinami dami ng bahay, sa tapat pa talaga namin naglalaro ang mga bata. Tinanguan ko na lang ito. Ano na naman ba?

"Ate, labas ka naman. Lagi kang nasa loob ng bahay niyo e," Sambit niya habang sinasaway ang mga batang nangungulit at pilit na humaharap sa camera.

"Sige, lalabas ako mamaya." Hindi dahil sinabi niya kundi dahil may balak naman talaga akong lumabas. Tinatamad lang ako. Pinatay ko ang tawag. Sasabihin ko na lang low battery ang cellphone ko, lalabas na lang ako kapag full charge na.

Hihilata na lang muna ako rito habang naghihintay na mag tago ang araw. Lumipas ang ilang oras at lumabas na rin ako para puntahan ang tambayan namin. Hindi man sigurado kung nandoon sila pero dumiretso pa rin ako.

Natanaw ko na sila Moren, Rose, Keith at isa sa kambal sa malayo. Kumaway ako agad. Parang hindi naman sila nag tatampo dahil sinalubong pa ako ng yakap. Si Jairo ang nandito at hindi si Jairus. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now