7

36 4 10
                                    

Mangga

Umuwi rin ako ng alas syete ng gabi nung araw na 'yon. Muntik pa nga akong mahuli, buti na lang nakauwi ako ng limang minuto mas maaga kay Papa.

Ganoon ang naging set up namin ni Jairus araw-araw, gigising ako na may bungad na text galing sa kaniya at matutulog din ako na may text sa kaniya. Minsan pa nga ay kinikwento niya ang nangyari sa araw niya pero ni minsan ay hindi ko siya nireplyan.

Iba ngayong araw, gumising ako na walang natanggap na text galing sa kaniya. Sabi na nga ba at titigil din siya. Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako kahit pa inasahan ko na ganoon naman ang mangyayari. Kapag nag text pa ulit 'yon, sasabayan ko na talaga.

I woke up early, I know he's an early bird. Every weekend, he has training in taekwondo. Sa tanghali ay umuuwi siya para mag luto ng ulam, sa hapon naman matatapos na ang training niya at mag sisibak ng kahoy, at sa gabi mag luluto siya ng ulam at mag huhugas ng plato. Tuwing Biyernes, nag lalaba rin siya ng mga damit nila.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi eh. May lalaki pa bang ganoon? Kahit nga ang tatay ko o kuya ay hindi gumagalaw sa mga gawaing bahay pero sabagay, may mga kasambahay naman kami. Pero importante na may alam pa rin sa gawaing bahay, para hindi naman maging kawawa yung mapapangasawa ng lalaki.

I ate my brunch in bed because I got too lazy to go down and I also didn't want to face my father. I need to avoid negative vibes if I'm trying to heal from this place. I'd end up hating this place even more if I get too much negativity.

I don't know what I'll do today. I'll just go out with Moren and Rose or maybe go for a ride with my bike. I haven't ridden a bike ever since I left Cagayan. Nag text ako kay Keith na dalhin dito ang bisikleta ko mamayang hapon. Sumimsim muna ako sa kape ko at umupo malapit sa bintana.

Alas dies pa lang ng umaga, nakikita ko na agad ang pagala galang si Adam kasama ang mga kaibigan niya. Ilang taon na ba siya ulit? Labing anim na taong gulang na yata siya ngayon kung dumaan na ang kaarawan niya.

Paano nga ba kami naging mag kaibigan? Hindi ko na maalala. Malakas lang talaga ang trip niya, hindi ko namalayang kaibigan ko na pala siya. Napailing ako nang makita siyang nakikipagtakbuhan sa mga mas maliliit pa sa kaniya. Isip bata talaga.

Inubos ko na ang kape ko at kahit hindi mahilig sa halaman, napag pasyahang kong mag linis sa hardin namin kahit pa alam kong nakapag walis na si ate Alena doon. Mag didilig na lang ako ng mga halaman at ililipat ang mga puwesto ng mga paso.

May mga halaman din kami sa tapat ng bahay kung saan nakapwesto ang mahabang upuan at duyan. Mayroon din sa mga gilid, sa pwesto kung saan ko nakita sila Jairus at Adam.

Mahilig kasi si Mama sa mga halaman, siya pa nga ang nag tanim ng mga ito. Buti nga at naalagaan nila ate Alena ang mga halaman ng mabuti.

Alas onse na ako nang matapos sa pag didilig at pag lilipat ng mga pwesto. Nakita ko sa malayo ang kumakaway na si Keith. Sa pagkakaalam ko, hapon ang sinabi kong oras sa kaniya. Bakit tanghali pa lang nandito na siya?

Tinutulak niya 'yon papalapit sakin, naka ngiti pa ang loko.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit.

"Bawal ba? Sige, balik na lang ako ulit mamaya." Pabirong sagot nito.

"Iwan mo na lang 'yan dito. Salamat," Maikli kong sagot at kinuha ang bisikleta sa kaniya.

"Ouch, ganoon na lang 'yon?" Sambit niya.

Humawak pa sa dibdib at nagkunwaring nasaktan sa maikli kong sagot. I just stared at him until he felt intimidated. He raised his hands up as a sign of surrender, smiled sheepishly and started to find his way out of our house. "Bye, sungit!"

Summer of 2012 (CVS # 1)Where stories live. Discover now