CHAPTER 6

11 0 0
                                    

CLAIRE'S  POV

Matapos ang klase sa English ay hindi na ako pinansin pa ni Leigh.

' Mukhang galit talaga siya.'

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK!

' Yesssssssss'

Agad kong inayos ang mga gamit ko para makapag lunch na ako.

' Gutom na ako'

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay naramdaman kong tumayo si Leigh sa kanyang upuan kaya naman nilingon ko siya, ngunit padabog siyang naglakad palabas ng hindi man lang ako nilingon.

Iiling- iling na lang akong nagpatuloy sa pag aayos sa  mga gamit ko.

Nang matapos na ay agad akong lumabas ngunit bago ako makalabas ay may nakita akong bagay na nasa labas ng pintuan.

' Notebook'

Kinuha ko ito at hinalungkat.

dO_ob

' Young Leigh'????

" Sa kanya pala to? Tss! Napaka careless masyado." , Bulong ko sa sarili.

Nagsimula na akong maglakad sa hallway papuntang Canteen, ngunit bago paman ako makarating sa Canteen ay madadaanan ko ang STUDENT'S BULLETIN BOARD.

Napahinto ako sa harap nito at muling napatitig sa mga larawang nandoon, ngunit napatitig ako sa nangunguna sa nakapaskil doon.

' Top notcher '

'  Campus Heartthrob '

"Tsk! Tsk! Magaling!!!" , Kunwaring nabibilib kong sambit.

FLASHBACK

Maaga akong pumasok dahil mag isa lang ako sa bahay , wala si nanay dahil nakapasok na naman siya ng panibagong trabaho.

Minsan, hindi ko siya maintindihan. Suportado naman kami ni papa, pero gusto niya paring magtrabaho.

Pero dahil ang lagi niyang sinasabi na ayaw lang daw niyang i-asa lang kay papa ang lahat ,lalo na sa pag -aaral ko.

Papasok na ako ng classroom ng mapadaan ako sa nagkukumpulang mga estudyante sa hallway.

'Ano kaya yan?'

'Maki chismis nga? Hehe'

Lumapit ako sa nagkukumpulang mga estudyante.

"Sabi ko sayo ehh, hindi siya mawawala sa listahan ng mga top!"

" Masyado siyang matalino , kaya lagi talagang posible  na masasali siya."

"At ang gwapo- gwapo niya pa?"

'Ehh?'

"Sinabi mo pa, kaya nga siya ang campus heartthrob dito sa campus natin diba?"

' Sino bang tinutukoy nila?'

Dala ng curiosity , mas lumapit pa ako sa kanila at inisiksik ang sarili sa nagkukumpulan hanggang sa mapunta ako sa gitna, sa mismong harap ng bulletin board.

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now