CHAPTER 17

3 0 0
                                    

CLAIRE'S POV

Sa mall nga kami pumunta. Hindi naman ako mahilig sa gala ,sadyang pinagbigyan ko lang talaga si Edein. Mukha naman siyang mabait at sa palagay ko hindi naman siya plastic kaya ayos lang siguro kung magiging kaibigan ko siya maliban sa dalawang lalaki na kasama namin ngayon. Tahimik lang si Ali habang nakatingin kay Edein na panay ang turo sa mga botique na madaanan namin,samatalang si Young naman ay hindi pinansin ang babae, panay lingon lang ito habang naglalakad. Ako naman ay nakamasid lang sa kanilang tatlo.

" Guyz, ano na? Saan tayo?" biglang hinto ni Edein sa paglalakad dahilan para mapahinto din kami.

"Ikaw ang may gusto nito,diba? So, ikaw ang mag isip," halata ang inis na wika ni Young.

Ngumuso naman si Edein habang nakatingin din kay Young.

Tumikhim ako dahilan para makuha ko ang atensyon nila.

"Manonood na lang tayo ng sine, mukhang maganda ang palabas ngayon. Horror.." wika ko habang nakatingin sa naka paskil na movie na siyang ipapalabas sa sine. "At after, kakain tayo bago babalik sa school. Ayos ba yun?" dagdag kong ani.

Ngumiti naman sila maliban kay Young na tumingin lang sa akin.

Ganun nga ang ginawa namin, bumili kami ng ticket para sa movie.

"Libre ko na, " wika bigla ni Ali.

Pareho naman kaming natigilang tatlo.

" Ako na ang magbabayad sa tickets natin, nakakahiya naman sa inyo." dagdag niya na kami ni Edein ang tinutukoy.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

" Ayy, salamat Ali... " nakangiting wika ni Edein. " Sa pagkain naman mamaya, si Young naman ang mang libre." dagdag pa niya dahilan para malingunan ko si Young na walang reaksyon ang mukha. "Diba, Young?" may kalandiang wika ni Edein na lumapit pa talaga kay Young, iniwas ko naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Sige," wika nito.

"Yehey!!! Sige, tayo na baka nagsisimula na ang movie!" ani Edein na hinila pa si Young.

Nasa gitna kami pumuwesto, katabi ko si Ali sa kanan habang sa kaliwa naman si Young at kasunod niya naman si Edein.

" Anong title nung movie?" mayamaya ay tanong ni Edein.

"Coming Soon," walang ganang sagut ni Young.

Subrang nakakatakot ba yan?" si Edein.

"Manood ka na lang," si Young.

Hindi na muli pang nagsalita si Edein. Eksakto ding dumilim na sa loob ng sinehan dahil magsisimula na ang palabas.

Mayamaya....

"Ayyyyyy!!!!! Nakakatakot!!!" biglang sigaw ni Edein kaya napalingon kaming pareho sa kanya. Nagulat pa ako nung makitang nakahawak siya sa braso ni Young.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" inis na wika ni Young.

"Natatakot ako Young," si Edein.

"Huwag ka na lang manood , "

"Labas na lang tayo,hindi ko na kayang manood."wika nito habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Young.

"Manonood pa kami, ipikit mo na lang iyang mata mo at huwag kang mag ingay, nakakahiya sa iba,"

"Sorry na," sagut nito habang ngumuso.

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now