CHAPTER 15

3 1 0
                                    

YOUNG'S POV

Nakatitig lang ako kay Yen habang nakaupo sa gilid ng kama niya.

Para siyang lantang gulay. Ang putla niya at ang laki ng eye bags.

Inaantok na ako ngunit ayoko pang matulog . Gusto ko siyang bantayan ng nakamulat ang mata ko.

Upang malibang, binuksan ko na lang ang phone ko at nag open sa aking social media account.

1 friend request

Pinindot ko iyon upang malaman kung sino ang nag add sa akin.

Topakin Ako:-D

" Anong klaseng profile name to?" bulong ko sa sarili.

Hindi ko na lang pinansin pa. Hindi ko naman na ini ignore, talagang hindi ko na lang pinansin pa at nag scroll down and up na lang ako.

1 message request

" Sino na naman kaya to?" muli kong bulong sa sarili.

Binuksan ko ang meessage request na yun upang mabasa ito.

"Woi! Kumusta? Nakalabas ka na ba? "

Kumunot ang noo ko. Iyan ang laman ng request message ko at galing din kay Topakin ako:-D.

I stalk Topakin Ako:-D pero wala na siyang ibang pictures maliban sa kanyang profile pic na  isang pusang ang weird ng mukha. Nakangiti ang pusa na bahagya pang nakataas ang kilay.

Wala akong ibang nakuha sa pag stalked ko sa Topakin  nato maliban sa isa. Siya ay babae.

Hindi ko maintindihan pero ang unang pumasok sa isip ko ay si Claire. Naipilig ko ang ulo ko sa naisip.

I go back to my message box and replied her with LIKE sign.

Typing.......<----- topakin.

*TING!*

" Letsugas! Astig ka ding ka chat nuh? Hindi ka ba marunong mag type ?"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

" Hindi kita kilala!" I replied to her.

"Wow! Na ospital lang malimutin agad? Woi! Pag iwas sa isa't -isa lang ang usapan natin hindi yung magkalimutan!"

dO_Ob???

Nagulat ako sa message niya. So, tama nga ako, si Claire to?

Hindi ko maintindihan pero gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.

Paano niya kaya nalaman ang fb name ko?

*TING!*

" Mr. President? Baka may balak kang mag reply? Kinu kumusta kita dito ohh? Haller!"

Napangiti ako sa sunod niyang message. Napaka pikon talaga.

" Ayos na ako. Nakalabas na ako kanina pa. Pero nasa ospital parin ako ngayon." My reply.

" Ehh?"

" Ako ang nagbabantay sa kakambal ko."

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now