CLAIRE'S POV
Natapos ang pang hapong klase na swabe. Hindi na ako naging abno sa mga guro ko. Nakokonsensiya din naman ako sa mga pinaggagawa ko at isa pa, syempre, pinagbigyan ko na rin si Young. Kawawa kasi nung tao, na ospital pa.
Naglalakad na ako palabas ng campus ng muli ay harangin ako ni Edein.
' nandito na naman ang abnoy!'
" Sandali!",asik niya sa akin.
" Bakit?"
"Where's Young?", kunot noo niyang tanong.
"Bakit sakin mo hinanap? ", taas kilay kong balik tanong sa kanya.
"Because you're classmate!",biglang sigaw niya sa akin.
' tsk! Basihan na ba yun?'
" Oh ,Eh ano ngayon kung classmate kami?"
"Nasaan si Young?!"
"Ano ba? Bakit sakin mo hinanap ang lalaki mo!?", balik na sigaw ko sa kanya.
" Dahil alam kong alam mo kung nasaan siya. Ang sabi ni Abigail, hindi daw pumasok sa klase si Young kanina. Alam mo bang maghapon akong naghintay sa kanya?" ,galaiti niyang singhal.
"Tsk! Anong paki ko kung maghapon kang naghintay sa kanya? Anong pakialam ko sa inyung dalawa?"
"Claire, please, sabihin mo sa akin, nasaan si Young?" ,natigilan ako nung biglang naging malumanay ang tono ng kanyang boses.
' nag iba ata ihip ng hangin?'
" Maghapon akong naghintay sa kanya dahil ang sabi niya ay ibibigay niya sa akin ang picture niya para sa portrait presentation natin, pero hindi siya pumasok,"
' Aishhh!!'
" Bakit, sinabi ba niyang ngayon niya ibibigay?"
Natigilan naman siya sandali.
"H-Hindi," parang napapahiyang sagut niya na bahagya pang napatungo.
" Yun naman pala eh. Maghintay ka na lang ulit bukas, malay mo, hindi parin papasok yun bukas?"
Natigilan siya sa sinabi kong yun at lumaylay naman ang mga balikat niya.
Malakas akong bumutunghininga.
" Nasa ospital si Young , hinatid namin siya kaninang umaga ni Ali. Sumakit kasi ang tiyan niya. Yun ang dahilan kung bakit hindi siya nakapasok ngayon. " ,malumanay na sabi ko. Siguro ito na lang ang kulang para maka sibat na ako sa kanya. Pupunta pa ako sa ospital para dalawin si Young. " Puntahan mo para mabawasan yang pighati mo," dagdag ko pa at saka siya nilampasan.
" Sandali, Claire,"
Habol niya sa akin.
" Bakit na naman?", inis kong tanong sa kanya.
' kailan ba siya titigil?"
" Hindi ka ba pupunta sa ospital?", tanong niya sa akin .
" Ano namang gagawin ko sa ospital?"
"Para dalawin si Young,"
' Tsk! Doon na nga ako pupunta , epal ka lang talaga.'
YOU ARE READING
IF YESTERDAY IS TODAY
AcciónThe day of today is always matter in the day of yesterday