CHAPTER 14

3 0 0
                                    

ALI'S POV

" H-Hi Claire," ,nakangiti kong bati sa kanya.

d-_-b~~~ claire.

Hindi siya sumagut bagama't nakatingin lang siya sa amin.

' anong sasabihin ko? '

" Bakit ngayon ka lang,?" ,tanong ni tita sa anak.

" May dinalaw lang hong kaibigan sa ospital, nay "

"Sinong kaibigan? Akala ko ba itong si Ali lang ang kaibigan mo,?"

Natigilan naman si Claire at bahagya pa akong sinulyapan bago muling tumingin sa ina.

" Kaibigan ko din siya nay pero may kaibigan din ako maliban sa kanya,"

"At sino naman iyang kaibigan na yan?", galit na tanong ni tita.

" A-Ahh, tita, kilala ko ho ang tinutukoy niya. At kaibigan ko din ito.", sabat ko sa usapan at nilingon naman ako ni tita.

Tinignan niya ako ng medyo matagal bago ngumiti.

" Ganun ba,ijo? Mabuti naman , mapanatag parin ako kung ganun,?" ,natatawa niyang ani.

Napangiti din ako sa kanya. " Oo naman ,tita".

" Magkakilala pala kayo?"

Natigilan kaming pareho nung itanong iyan ni Claire.

"A-Ahh-," - ako.

' Shit! Ba't kinabahan ako ng subra?'

" Kanina lang, pumunta kasi siya dito at hinahanap ka.",si tita ang sumagut.

Medyo nakahinga ako ng maluwag .

' Sana maniwala ka,'

"Hinanap? Bakit mo naman ako hinanap,Ali? Diba umalis ka kanina dahil may emergency?" ,tanong muli ni Claire na nasa akin ang paningin.

' nagdududa ka ba ,Claire?'

Hindi ko maintindihan ang kabang naramdaman ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kinabahan ako ng subra.

' wala naman akong dapat ikabahala, diba?'

" Woi?"

Muli akong napatingin kay Claire.

' anong sasabihin ko?'

" Tama na yan,Claire! Ganyan ka ba talaga kawalang respeto at hindi mo man lang nagawang ayusin ang pakikitungo mo sa bisita natin?!", galit na sigaw ni tita kay Claire at napatungo naman si Claire.

" A-Ayos lang tita. I understand ." , sabi ko.

" Pasensiya na," ani Claire na tumunghay sa akin. "Pasok na ako sa kwarto, inaantok na ako,", at pumasok na ito sa loob na hindi man lang kami nilingon.

Napabuntunghininga ako ng malakas.

" Ayos ka lang,?" ,tanong sa akin ni tita.

" Medyo kinabahan lang tita. "

"Huwag kang kabahan, mapapahamak tayo sa kabang iyan. "

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now