CHAPTER 11

1 1 0
                                    

YOUNG'S POV

Simula nung iwan ako ni Claire kahapon matapos ko siyang lapitan ay hindi na muling gumanda ang mood ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang naramdaman ko gayong ke bago-bago ko pa siyang makilala. Hindi din ako ganito ninuman, maliban na lang siguro kay Yen. Si Yen lang naman ang close kong babae.

Pilit ko mang hindi pansinin ang naging pag trato niya sa akin at sa Ali na yun, ay hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa lalaking yun.

' anong nangyari sa akin?'

Nakaupo ako sa kama ko habang tinitigan ang dalawang paris ng sapatos ko.

' bakit kailangang makaramdam ako ng inis nung makita ko silang magkasama?'

' bakit parang ang sakit sa mata?'

"Aishhh!, Nababaliw ata ako!", bulalas ko habang sinabunot ang buhok ko.

KNOCK! KNOCK!

Natigilan ako nung may kumatok.

" Ser, handa na ho ang agahan.",

Si manang Estrelita . Ang bago naming katulong.

" Lalabas na ho ako, tataposin ko lang po to!", sagut ko sa kanya.

" Sige ser."

At narinig ko na ang mga yabag niyang papalayo.

Tinapos ko na lang ang pag -aayos sa sarili bago bumaba ng kwarto.

"Manang, nasan sina dad at mom?", tanong ko ni manang Belen, isa sa mga katulong namin.

Pagbaba ko kasi ay kapansin-pansing walang tao  maliban sa mga kasambahay.

" Sina ser at mam po ay maagang umalis, kaninang mga 5am po . Ang kapatid niyo po ay tulog pa.", ani nito.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Ang aga naman nilang umalis? Sinabi ba nila kung saan sila pupunta,manang?"

"Narinig ko pong sa airport ser."

"Airport? Anong gagawin nila dun?", wala sa sariling tanong ko.

" Hindi ko ho alam ser, yun lang po kasi ang narinig kong usapan nila kanina bago umalis."

Napatingin naman ako sa kanya saka bumuntunghininga.

" Ayos lang manang, kakain na ho ako."

"Sige po ."

Pumasok na lang ako sa dining area. Nakahanda na nga ang mga pagkain.

"Ang rami naman ng inihanda niyong pagkain ,manang?", takang tanong ko.

" Iyan ho ang ibinilin ng inyong ama ser, kailangan daw ay kumain kayo ng marami.", mula sa likod ko ang sumagot kaya naman ay lumingon ako at nakita ko si manang Estrelita.

"Ah, ganun po ba? Hindi ko naman maubos lahat to, sabayan niyo na lang ako. Tulog pa naman si Yen, at saka hindi naman yun kakain kapag malamig na ang pagkain." , sagut ko at saka umupo. Ngunit wala ni isa sa mga katulong na nandoon ang kumilos para sundin ang iniutos ko. Kaya naman tinignan ko sila isa-isa. Silang lahat ay nandoon ,nakatayo sa harapan ko maliban kay manang Estrelita na nanatili sa likuran ko. Hindi ko mawari ang mga hitsure nila. Para silang takot na iwan. Nakatungo lang sila at halatang hindi sila mapakali.

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now