YOUNG'S POV
Maaga akong nagising kahit pa halos hating gabi na bago ako nakatulog nang dahil sa presensiya ni Claire kagabi.
Hindi ko alam pero masaya ako nung sinabi niyang mas maigi ng maging magkaibigan kami kesa iwasan ang isa't- isa.
Maaga ding dumating sina mom and dad kasama na rin si Nicholl dahil tumawag ako sa kanilang papasok ako ngayon dahil may gaganaping general meeting at bilang isang presidente ay dapat nandoon din ako.
FLASHBACK
" Talaga bang hindi ka muna papasok bukas?" maya-maya ay tanong sa akin ni Claire.
Naiilang akong muling tumingin sa kanya.
" Hindi pa siguro,"
"Hmm. May general meeting bukas eh. Tungkol daw sa nalalapit na aquiantance party. Diba presidente ka? Dapat nandoon ka."
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Oo nga nuh? Dapat nandoon din ako.
" A-Ahh, sige, papasok ako bukas."
Ngumiti naman siya matapos kong sabihin iyon.
"Sa portrait, si Edein ang partner mo?" tanong niya na deretsong nakatingin sa akin.
" O-Oo, siya yung katabi ko nung nag announce si ser Romero eh."
"Bakit kasi hindi ka tumabi sa akin nun?"
Nagulat ako!
" H-Huh?"
"Bakit kako hindi ka tumabi sa akin nun?" seryosong ani niya.
" A-Ano kasi–,"
" Magkabilang section pa ang naging partner nating pareho. Sila classmate, tayo naman classmate din. Kung tumabi ka pa sa akin nun eh di sana tayo ang partner at sila namang dalawa ni Edein at Ali ang partner nang sa gayon mas madali sating pareho ang mag communicate tungkol sa task na yun." pagpapatuloy pa niya at hindi naman ako agad nakasagut.
may punto din siya! Bakit hindi ko naisip yun ?'
" P-Pwede naman sigurong magpalit na lang tayo ng partner diba?" patanong ko ring ani sa kanya.
"Huwag na. Ayos naman na ako kay Ali eh," natatawa niyang ani.
Aishhh!!
" Oh eh, bakit mo naman sinabi pa ang mga yan?" inis kong tanong sa kanya.
" May masabi lang, wala na kasi akong maisip na topic eh. Hehehe" bungisngis pa niya.
" Tsk! Abno!" singhal ko sa kanya.
dO_Ob?? <------- Claire.
END OF FLASHBACK
Napangiti ako sa naisip kong yun. Natatawa ako sa naging reaksyon niya.
" Hey? What's funny?"
Natigilan ako nung mangibabaw ang boses ni Nicholl sa harapan ko.
Napatingin ako sa kanya na naka kunot ang noo ko. Nakataas din ang kilay niya.
" What?" inis kong tanong sa kanya.
" You're smiling while staring on the floor. What's on the floor ,anyway?" taas kilay parin niyang tanong na tumingin pa sa sahig.

YOU ARE READING
IF YESTERDAY IS TODAY
ActionThe day of today is always matter in the day of yesterday