CHAPTER 3

12 1 0
                                    

CLAIRE'S POV

Isang oras at kalahati ang klase namin ni sir . Kaya naman madali lang natapos ang klase.

Isa - isang tsinichikan ni Leigh ang mga notes ng mga kaklase namin, pero ilang ulit na akong sumubok na ibigay ang note ko para makauwi na ako pero hindi niya tinatanggap. Ang totoo kasi kasunod niya akong natapos sa task pero hindi niya parin tsinistikan ang notes ko.

Kunot noo ko siyang pinagmamasdan.

'Ang tigas mo ahh?'

Seryoso siya sa kanyang ginagawa at bahagya pang nakakunot ang noo.

Lumayo ako sa kanya at sa nagkukumpulan kong mga kaklase.

'Tingnan natin kung hindi ba kayo titigil jan!'

"Yeahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"

Sigaw ko habang sinisipa ang mga silyang nandoon. Hinahagis ko pa ang iba.

Buti na lang at made in plastic ang mga ito, hindi masyadong mabigat! Hehe

"Whooooaahhhhhh!!!!"..

Hiyaw ko habang patuloy na nanghahagis at pinagtatadyakan ang mga silya.

"Claire!"

Napahinto ako sa paghagis ko sa sana sa isang stool na nandoon at napatingin sa tumawag sa akin.

"L-Leigh!", Tawag ko din sa kanya.

"Ano yang ginawa mo?!", Salubong ang kilay na tanong niya sa akin.

"Bakit, ano bang ginawa ko?", Tanong ko rin sa kanya .

Hindi niya ako sinagut, sa halip ay bumaling siya sa mga classmate namin . Pinapauwi na niya ang mga ito.

"Masyadong eskandalosa!"

"Ghudd, she's freak!"

"Nagpapansin ata yan kay Young ,eh!"

'Ehh?'

Usapan yan ng mga classmate namin habang lumalabas ng room. Sinundan ko pa ng tingin ang babaing huli kong narinig na nagsasalita.

' Young? Sino naman yun?'

" Claire,", tawag sa akin ni Leigh.

Kaya agad naman akong bumaling sa kanya.

"Ibaba mo na yan," dagdag niya pa kaya napatingin ako sa tinignan niya at dun ko lang napagtanto na may bitbit pala akong stool. Agad ko naman iyong ibinaba.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" , Takang tanong ko sa kanya.

"Ano bang nakain mo't nag eskandalo ka pa talaga?" , Tila naiinis niyang tanong.

Malakas akong bumuntunghininga at diritso ko siyang tinignan sa mata.

"Alam mo bang naiinis na ako sayo ha? ", Mataray kong tanong sa kanya.

Hindi naman siya sumagot ngunit mas lalong kumunot ang noo niya, senyales na hindi niya nauunawaan ang sinabi ko.

"Alam mo bang masyado na akong late ng uwi ha? , Alam mo bang malayo pa ang lalakarin ko pauwi ha? Alam mo bang pagagalitan na naman ako ng nanay ko ha!?", Inis kong sigaw sa mukha niya.

IF YESTERDAY IS TODAYWhere stories live. Discover now