CLAIRE'S POV
" Oh, naglabasan na ang mga students oh?", biglang sabi ni Ali habang nakatingin sa unahan niya.
Tinignan ko naman ito at meron na ngang mga estudyante ang naglabasan. Kaya naman tinignan ko ang relos ko.
' 4:20'
"Tara! Labas na tayo," yaya ko sa kanya na mas binilisan ko pa ang paglalakad.
" Teka, teka, akala ko ba kakain ka muna?", pigil sa akin ni Ali.
" Hindi na. Sa bahay na lang ako."
"Ganun ba, sige, sabay na tayong lumabas."
Kaya naglakad na kami palabas ng campus.
" Claire, hintayin mo ko sandali ha? Kukunin ko lang muna ang motor ko."
"Sa labas nalang ako maghintay."
Tumango naman siya bilang tugon at patakbong pumunta sa isang gawi ng parking lot. Naglakad naman ako palabas ng gate.
' Ehh?'
Natigilan ako nang makita si Young sa waiting area. Hindi niya ako nakita dahil nakatakilid siya sa akin at nasa ibang direksyon ang paningin niya.
"Claire!", napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sa akin. Si Ali.
Nakasakay na siya sa motor niya.
" Sumakay ka na sakin. Ihahatid na lang kita sa bahay mo,", nakangiti niyang sabi.
" Hindi ba nakaabala sa iyo?"
"Ano ka ba naman, syempre hindi nuh. Halika na, umangkas ka na dito. "
"Sige—."
" Claire?"
Natigilan ako nung may tumawag sakin mula sa likod ko. Mahina lang ang pagkatawag niya sa akin senyales na malapit lang siya sa akin.
Dahan- dahan akong lumingon at nakita ko si Young na seryosong nakatingin sa akin.
" Bakit?"
"Akala ko ba umuwi ka na?"
"Uuwi pa lang,"
"Magkasama kayo simula kanina?", tanong niya na sinulyapan pa si Ali na nakatingin lang rin sa min.
" Oo, pareho kasi kaming walang klase kanina. Eh, ano palang kailangan mo't lumapit ka? Diba may usapan na tayo?"
"Naalala mo pa yun?"
"Oo naman. "
"Akala ko kasi nalimutan mo . Iba kasi ang ipinakita mo kanina sa napagkasunduan natin,"
"Alam ko ang tinutukoy mo. Pero sana naman maintindihan mo kung bakit ko ginawa yun. "
"Pero mali ang ginawa mong pagsagut kay ser."
"Walang mali sa ginawa ko. Hindi mali ang ipagtanggol ang sarili. Hindi mo maintindihan ang sarili ko dahil wala ka naman sa sitwasyon ko. Kaya kung pwede, kung gusto mo akong kausapin para kwestyunin ang ugali ko, intindihin mo muna ang sitwasyon ko bago mo gawin yan.",seryosong sabi ko sa kanya at natigilan naman siya.

YOU ARE READING
IF YESTERDAY IS TODAY
ActionThe day of today is always matter in the day of yesterday