Chapter 3

17.1K 324 28
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Sandy sa may island counter nang kusina at hinihintay ang Shin Ramyun na niluluto nya sa microwave para sa hapunan. Natatakot kasi syang gamitin ang electric stove dahil hindi nya naman ito alam gamitin. Mamaya ay masira nya pa ito, bawas pa sa sahod nya. Speaking of sahod, tinawagan sya kanina nang secretary ni Mr. Sevilla na si Josephine. Hinihingi nito ang bank account nya, para daw doon maideposit ang sahod nya pero dahil sa nangyari sa pamilya nila ay sinabi nyang ipadala nalang nito ang pera nya through post.

Nang tumunog na ang microwave tanda na luto na ang shin ramyun nya ay excited syang kinuha iyon. Hmmm instant korean noodles..not bad. Pero hindi kaya sya magsawa nito?. Halos limang araw naring ito ang tanghalian at hapunan nya.

Habang kumakain ay napapaisip sya.

Ano pa kaya ang pwede kong gawin?

Kanina pa kasi nya nalinis ang buong bahay. Hindi naman sya nahirapan dahil malinis na naman ito. Dahil narin na-maintain iyon ni Marie.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga sya nahihirapan sa trabaho nya. Lagi nya kasing iniisip kung papaano magtrabaho noon ang mga kasambahay nila. Yun ang mga ginagaya nya ngayon. Kaya nga lagi syang nasa kusina tumatambay. Nahihiya kasi syang tumambay at manuod nang tv sa may sala. Mamaya ay maabutan pa sya ni Mr. Sevilla. Hindi pa naman ito pwedeng magalit, dahil nakakatakot daw ito kapag galit.

"Nakalimutan ko palang tanungin ang edad ni Mr. Sevilla, at bakit ba wala man lang syang picture dito sa bahay. Hmmm...malamang sa kwarto nya meron." kausap nya sa sarili.

Napakatahimik nang buong bahay. Kung may laman lang sanang mga kanta ang bago nyang mumurahin na cellphone di sana may napapatugtug sya ngayon. Ayaw naman nyang pakialaman ang Bose player na nasa sala, dahil nga ayaw nyang makasira. Kaya para na syang mababaliw sa sobrang katahimikan.

***

NAGPAPASALAMAT si Elio at imbes na six days sya sa Japan ay nakauwi na sya sa ikalimang araw palang. Gabi na nang makalapag ang eroplanong sinakyan nya.

Nang makalampas na sya sa security ay dali-dali na syang naglakad papunta nang parking area nang Airport. Agad nyang nakita ang kanyang Yellow Ferrari F8 Spider na sasakyan. Hinatid kasi ito nang kanilang company driver para magamit nya pauwi.

He received a text from his secretary Josephine that Monica was camping outside his penthouse. Fortunately, hindi sya dun uuwi.

Obsess talaga ang babaeng yun sa kanya.

Masyado ko bang ginalingan ang pakikipagtalik dito noon.?

Napairap sya sa hangin habang nagmamaneho pauwi.

Ahh! I'm so fucking tired.

Exactly 11:00 in the evening nang makarating si Elio sa bahay na minsan sa isang buwan nya lang nauuwian. Bakit nga ulit nya pinatayo ang bahay nato? He doesn't really know why.

Kinuha nya sa backseat ang LV keepall bag saka dali-dali pumasok na sa loob nang bahay.

Nakaramdam sya nang gutom kaya naman pumasok na muna sya sa kusina. Hindi kasi sya nakakain nang maayos kanina sa eroplano. Binuksan nya ang ref para tignan kung may ulam ba doon si Marie na pwedeng initin. Pero na disappoint sya nang makitang walang kalaman-laman ang ref. He quickly went to check the cupboards, but to add to his disappointment there is nothing there but a pack of instant noodles.

So unhealthy! Hindi ba alam ni Marie na makakasama sa baby nya kung puro instant noodles ang kakainin nya?

Dahil sa nakita ay nawala na ang gutom nya. Napatingin sya sa paligid nang kusina. Tiyak na wala din syang kakainin bukas para sa almusal. Great! Fucking great!

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon