Chapter 21

16.2K 314 4
                                    

"OH MY GOD!." Pumalakpak pa si Matet habang pinagmamasdan sya nang dalawang kaibigan. "Well, maganda nga yung damit pero kung nakasimangot ka naman wala rin." puna nito.

Pareho nyang tinawagan sina Matet at Lauren kanina para magpasama sa dalawa. Mabuti nalang at parehas na walang lakad ang mga ito.

"Sandy, to be honest marrying Justin wasn't that bad at all. Tingin ko naman ay talagang mahal ka nung tao." It was Lauren.

"Lauren, we both know the reason why she's like this. Duh! It's because of Emilio Romulo Sevilla, he's the one. Like the one! So kahit gaano pa sya kamahal ni Justin wala rin." Pinaharap sya ni Matet sa malaking salamin. "Tiyak na lalong mababaliw sayo ang lalaking yun kapag nakita ka nya sa ayos mo ngayon."

Tama ang dalawa. She was indeed look beautiful with her wedding gown. Sayang nga lang at ibang groom ang makikita nya sa altar. Nakagat nya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling maluha.

"Selfie tayo Sandy." yaya ni Matet sa kanya na sinunod naman nya. Si Lauren naman ay busy sa kanyang cellphone. Napansin nya pang mahaba ang nguso nito at nakakunot ang noo habang nagtatype. "Matet, let's go.." yaya nito kay Matet nang magtaas ito nang tingin.

Puno nang pagtatakang tumingin sya sa dalawa. "Saan kayo pupunta?."

"Sa kotse ko, may bumunggo daw nang bumper sa likod." pahayag ni Luren na sinang-ayunan naman ni Matet. "Dito ka muna, babalik din kami agad."

"Okay.." napalinga-linga sya. "Asan nga pala yung mga staff dito?." Tukoy nya sa dalawang babae na umalalay sa kanya kanina. Pagkatapos nya kasing makapagbihis kanina ay hindi na nya nakita ang dalawa.

"Baka may inayos lang saglit. Babalik din yun mamaya. Sige na girl, baka kung napano na yung kotse ni Lauren."

"Sige.." nasabi nalang nya. Nagtataka man ay hinayaan nya nalang na makaalis ang dalawa. Ni hindi man lang sya nilingon nang dalawa nang lumabas ito. Well, emergency naman talaga ang nangyari sa sasakyan ni Lauren.

Muli syang humarap sa salamin at saglit na pinagmasdan ang sarili. Pero kaagad din syang napalingon nang marinig ang pagbukas nang pinto. Marahil ay nakabalik na ang dalawang staff na kasama nila kanina.

Pero nanigas sya sa kanyang kinatatayuan nang makilala ang taong kakapasok lang nang silid. "God...you're beautiful." Elio said, almost like a whisper.

"Elio, anong ginagawa mo dito?."

Elio slowly walked towards her. "I'm here to take the love of my life."

"Elio please..." napaatras sya. Gustuhin nya mang sumama ngayon kay Elio ay hindi pa pwede. Base sa nakaraang pag-uusap nila ni Justin ay may plano ito para maiayos ang lahat. Kaya nga ayaw nyang masira kung ano man ang plano ni Justin. Mamaya ay pare-pareho pa nilang ikapahamak kung makikigulo pa si Elio sa ngayon.

"Umalis kana...please..."

"Sorry baby...alam kung hindi ka basta-basta sasama sakin."

"What do you mean?..." takang tanong nya sa binata. Ano bang binabalak nito?

Saka nalang nya napansin ang panyong inilabas nito sa back pocket nang pantalon nito at pinaanoy sa kanya. Huli na para makaiwas sya dito dahil unti-unti nang nagdilim ang paningin nya.

***

MARAHANG hinaplos ni Elio ang pisngi ni Sandy habang mahimbing itong natutulog. Kasalukuyan itong nakahiga ngayon sa kama habang sya naman ay nakaupo sa gilid nito.

"Kuya are you sure about this?." tanong sa kanya ni Vel na nakahilid sa may pintuan. "Mamaya ay makulong tayo nito. Fuck! kidnapping to e." Vel hissed.

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon