GISING na si Elio pero nanatili paring nakapikit ang mga mata nya. Napangiti sya nang maalala ang nangyari sa kanila ni Sandy kagabi. Kaagad nyang kinapa ang dalaga. Nang hindi nya ito maramdaman ay agad syang nagmulat nang mga mata.
He's alone.
Bumangon sya at hubad na naglakad papuntang banyo para magtoothbrush at maligo.
Nang makapagbihis ay kaagad syang lumabas nyang kanyang kwarto at hinanap ang dalaga.
Is she cooking in the kitchen? Please! Hell no! He won't let her cook again.
Nang hindi naman nya ito makita sa kusina ay pumunta sa likod bahay. Hindi parin nya ito makita kaya bumalik na sya sa loob nang bahay.
Saka nya lang naisip na wala nga pala syang number ni Sandy. Tatawagan na nya sana si Josephine nang maisip na icheck ito sa loob nang silid nito.
Nagpasalamat sya at hindi iyun nakalock. Napasimangot sya nang makita ang dalaga na mahimbing na natutulog sa kama nito.
"Baby..."
Sakto lang sa isang tao ang kama nito at dahil matangkad syang tao ay mukhang hindi sya kakasya dito. At kung bubuhatin naman nya ito ay tiyak na magigising ito. At dahil talagang gustong nyang makatabi ito ay isiniksik nya ang sarili sa dalaga.
***
GUSTO pa sanang matulog ni Sandy pero parang nahihirapan sya. Bakit ba parang ang sikip?
Dahan-dahan syang nagmulat nang mga mata at ganun na lamang ang gulat nya nang makitang nasa tabi nya si Elio. Nakapatong ang isang binti nito sa mga hita nya at nakayakap naman ang isang braso nito sa beywang nya.
Habang ang ulo ay nakasiksik naman sa leeg nya na para bang nakahalik na ang mga labi nito doon. Dahil sa pagkakadikit na naman nang katawan nila ay lumakas ang tibok nang puso ni Sandy. This need to stop!
Nang tangkain nyang ialis ang braso nito ay nagising narin ang binata. Kinusot nito ang mga matang halatang inaantok pa.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, lalong-lalo na sa kama ko?."
Bumangon ang binatang naalimpungatan. "The last time I checked your room is part of my house. Therefore I can come here whenever I want."
"Kahit na...ano bang kailangan mo?."
Naningkit ang mga mata nito. "What kind of question is that? Nandito ako k—..." bumuntong-hininga ito. "Nevermind." at tuluyan na itong bumangon.
"Actually I came here to tell you na nakatambak ang labahan mo sa laundry room."
She frowned. "Anong labahan? Kakalaba ko lang nung isang araw ah."
Umismid ito at naglakad na papuntang pinto nang kwarto nya. Nang bigla itong lumingon sa kanya. "You stay away from my kitchen at dahil hindi ka magluluto kailangan mas pag-igihan mo ang paglilinis nang bahay ko." Pagkasabi nun ay lumabas na ito nang kwarto nya.
"Anong nangyari dun?.."
Napailing- iling nalang sya at saglit na inayos ang sarili. Pagkatapos ay lumabas narin.
Nang makalabas na si Sandy ay didiretso na sana sya sa laundry room nang di maiwasang pumunta sa may sala. Ganun nalang ang gulat nya nang makita si Elio na pinagtatanggal ang mga naglalakihang kurtina nang sala.
Nakahubad baro ito kaya naman kitang-kita nya ang matipuno nitong pangangatawan na basang-basa nang pawis.
Damn! So hot this guy!
BINABASA MO ANG
Desirous Men 1: ELIO | Completed
Romans[𝗥-𝟭𝟴] Sandy Jean Lobangco have everything in life has to offer. Marangyang pamumuhay, mapagmahal na kapatid at ama. Until their father got arrested because of extortion. Nawala ang kompanyang tinaguyud nito, ang mansyon nila at ang lahat nang p...