Chapter 15

14.1K 298 7
                                    

PAREHAS na seryoso ang mga mukha ni Matet at Lauren habang nakikinig sa mga kwento ni Sandy.

Wala syang nilihim sa dalawa. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya nang masabi na nya ang lahat dito.

"So.." sambit nya at sumipsip sa paper straw nang kanyang caramel macchiato. "Anong masasabi nyo?."

"Ibig mong sabihin sinuko mo ang bataan kay Mr. Sevilla."

Napangiwi sya kay Lauren. Parang sa lahat nang sinabi nya ay ang pagbigay nya sa sarili kay Elio ang tanging concern lang nito. Well.. Lauren is the conservative one.

"Cut the Mr. Lauren, he's only 27 years old." Sita ni Matet sa kaibigan. "So kayo? As in, in a relationship kayong dalawa?."

"Ganun na nga..."

"That's good Sandy, I think this guy is better than Justin."

"No his not!." Kontra ni Lauren habang ginogoogle ang lalaki. "Look! how can you say this guy is better?." At pinakita nito sa kanya ang mga pictures na may kasama itong iba't-ibang babae. "And I kinda know him. Friend sya ni Savier. Babaero yan." Umirap pa ito sa ere.

"See the dates Lauren? 2018." Umirap din si Matet dito.

"Still..."

"Basta hindi cheater, okay lang yan." Depensa parin ni Matet kay Elio.

Buti may isa sa mga kaibigan nya na boto dito. At least...

"Sandy, hindi ka pa ba busog, my gosh pangatlong cake mo na yan."

Napakurap-kurap sya sa slice nang cake na nasa harapan nya. Over naman! Pangatlo ko na ba to?

"Masarap kasi...problema nyo ba!."

"Sumasagot ka pa. Anyways...ihahatid ka namin ngayon sa bahay nyo para alam namin kung saan ka hahanapin."

Nagkibit lang sya nang balikat. "Basta ba wag kayong mapaghusga sa apartment na tinutuluyan namin." Babala nya sa dalawa.

Nang bigla nalang may maisip. I want to see my Elio.

"Alam nyo ibibigay ko nalang sa inyo ang address nang apartment namin, pero pwede bang ihatid nyo nalang ako sa boyfriend ko?."

Umismid si Lauren at tumango naman si Matet. "No problem."

***

NAGING busy si Elio buong umaga, dahil may dalawa syang meeting na inatenan. Isa na doon ang pakikipagkita nya sa mga empleyado nang L.Co. Ngayon ay alam na nang lahat kasama nag media ang tungkol don, tiyak na marami ang mga itong itatanong sa kanya. He needs to be very careful.

After work, isa lang ang distinasyon nya. Yun ay ang makita si Sandy, bahala na kung nandun ang ate nito na hindi boto sa kanya. Ang mahalaga ay ayos na sila ni Sandy.

Kapag nagkita sila ngayon nang dalaga ay sasabihin nya ditong dapat bumalik na ito sa bahay niya.

May narinig syang tatlong warning knock sa kanyang opisina. It was Josephine.

"What is it?." Kaagad na tanong nya dito.

"Sir, may mga media po sa baba. May mga tanong daw sila sa inyo. Should I call Manuel to talk to them?." Si Manuel ay isa sa mga spokesman nang pamilya nila.

"No it's fine." Tumayo sya at inirolyo ang sleeves nang kanyang polo. "I will talk to them myself."

Kasama nya si Josephine na bumaba sa ground floor at kaagad na nakita ang mga reporters na naghihintay sa kanya sa labas nang building na hinaharangan nang mga gwardya nya.

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon