Chapter 12

13.2K 289 8
                                    

KUMUNOT ANG NUO ni Elio nang may tumapik sa balikat nya. Bago pa sya makareact ay nakita na nya si Clyde na umupo sa bakantang stool nang bar.

Kanina pa sya nakatambay sa Dover Street Club. Ang club na magmamay-ari nang kaibigan nila na si Prince.

"What happened to you pinsan?." Tanong ni Clyde na agad na sumenyas sa bartender nang inumin.

"Nothing..."

"Really? Ang sabi ni Prince kanina kapa nandito. Hindi ka lang nya masamahan dahil may mga kameeting sya."

Sumama ang mukha nya. "Do I look like I need someone to talk to right now?." Puno nang sarkastimong saad nya sa pinsan.

"Okay! Okay! Wag kanang mairita. Anyways...may nangyari ba?." Tinitigan sya nito nang maigi. "Last time lang, ang aliwalas nang mukha mo...tas ngayon? Break na ba kayo nang girlfriend mo?."

"No! Never!."

Tumaas ang dalawang kamay ni Clyde. "Easy insan. Okay I get it hindi kayo magbebreak. Pero may problema kayo? Tama ba ko?."

Problema? Yeah the woman I love so much lied to me.

"Ba't ba ang kulit mo, dun ka nga!." Pagtatakwil nya dito.

"Insan wag mo naman akong itaboy. Gusto mo tulungan nalang kita para magkaayos kayo.."

Mukhang hindi talaga sya natantanan nito. "Fine, you really want to help me?." Tumango naman ito agad. Inilabas nya ang cellphone nya. Ipinasa nya through whatsapp kay Clyde ang picture nila ni Sandy. "Find whatever you can find about her."

"What's her name again?."

"Sandy Lo– Sandy Delos Reyes." The reason why he said Delos Reyes was to prove to himself that Sandy might still be telling the truth about her life.

Baliw na talaga ako sa babaeng yun.

Tumalim ang mga mata nya nang makita si Clyde na nakatitig sa picture nila ni Sandy at talagang zinoom in pa nito ang mukha nang girlfriend nya.

"Pwede ba wag mong masyadong titigan ang girlfriend ko! Kaya nga sinend ko sayo yung magkasama kami sa picture, para ipaalala sayo that she's my woman. Naintindihan mo ba?!."

"Grabe ka nama insan." Simangot ni Clyde sa kanya. "Para picture lang e. Ang possessive mo naman. Seriously! Nakakatakot ka palang ma in-love!."

Nakakatakot talagang ma-inlove. Lalo na kung hindi kayo parehas nang nararamdaman sa isa't-isa. Pero with Sandy everything is worth it.

He saw Clyde checked his watch. "Hindi ka pa ba uuwi? I mean magdadrive ka pa..."

He checked the time on his watch. It's 10:50PM He hissed. Fuck!

***

KANINA pa nag-aalala si Sandy kay Elio. Ang sabi nito kanina ay uuwi ito nang maaga. Tumawag na nga sya kay Josephine, ang sabi naman nito ay kanina pa daw ito nakaalis nang opisina. Hindi nya naman makontak ang kasintahan dahil nakapatay ang cellphone nito.

Ang lamig na tuloy nang tatlong ulam na pinaghirapan nyang lutuin kanina. Sandy cooked adobong manok, sinigang na hipon at fried tilapia. Mabuti nalang at matino ang video na ginawa nyang gabay kanina sa pagluluto.

Tiyak na matutuwa nito si Elio.

Pero nasan na ba ang lalaking yun?

Paano kung may masang nangyari na sa binata?. Wala naman na syang alam na pwedeng tawagan bukod kay Josephine. Hindi rin naman nya alam ang numero nang nakababatang kapatid nito na si Vel.

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon