Epilogue

22.9K 489 30
                                    

NAKASIMANGOT si Elio habang pinagmamasdan ang anak na si Bryelle na halatang nag-ayos talaga para sa bisita nito. Kasalukuyan silang nasa sala ngayon kasama ang asawang si Sandy, ang bunsong anak na si Arien at syempre pa si Bryelle.

"Daddy you look upset." Says Arien. Mukhang nahalata nito ang hitsura nya.

Nilingon sya ni Sandy at ngumiti ito sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala na ngayon ay asawa na nya ito at binigyan sya nito ang dalawang magagandang anak. He couldn't ask for more.

Nang makarinig sila nang sasakyan na huminto sa labas nang bahay nila ay agad na napatayo si Bryelle. "He's here. Please be nice." Paalala nang panganay na anak sa kanila although para sa kanya lang talaga ang paalala nito.

"Don't worry baby, akong bahala sa Daddy mo." Sagot ni Sandy sa anak at humawak pa ito sa braso nya at ipinilig ang baba sa balikat nya. "Smile Elio, mamaya ay matakot pa sayo ang manliligaw nang anak mo. Sige ka.."

"Exactly my point." Giit nya. "Bakit ba kasi pumayag ka dito?." Maktol nya sa asawa.

"We are just doing what we promised to her. Sabi natin pwede na syang tumanggap nang ligaw kapag 18 na sya remember?." Lambing nito sa kanya. "Saka mas mabuti na yung open tayo sa kanila. Besides kilala na naman natin si Kilian at ang pamilya nya. Ang gwapo nang manliligaw nang anak natin, bagay na bagay sila ni Bry." Kinikilig pa na pahayag nito na mas lalong nagpahaba nang nguso nya.

Mukhang habang buhay na talaga syang magiging seloso pagdating kay Sandy kahit nga mag-asawa na sila. Habang tumatagal kasi ay mas lalong gumaganda ang maybahay nya.

Dahil sa pag-iisip nya ay hindi nya namalayan na nasa loob na pala nang kabahayan ang manliligaw nang panganay nya.

"Mom, Dad, Kilian is here." Pagbibigay alam ni Bryelle sa kanila. "Good evening po Tita Sandy, Tito Elio." Magalang na bati ni Kilian sa kanila. Kung sa ugali lang ay wala syang masabing masama dito. Sa totoo nyan ay bata pa lang ito ay nakakasama na nila ito dahil naging kaibigan na nya rin ang ama nitong si Liam, dahil narin kay Clyde.

Pero kahit ganun pa man ay mabigat parin sa kalooban nya na ang panganay na anak nya ay may manliligaw na! Parang kailan lang ay karga-karga nya lang ito at inaalalayang maglakad. Bakit ba napakabilis nang panahon!

"Hi Kuya Kilian." Magiliw na bati ni Arien dito. "Hi Arien." Ganti naman nang binata at pinisil pa nito ang pisngi ni Arien.

Alam nyang magkaklase ito at si Bryelle, pero last week lang nila nalaman ni Sandy na pormal itong aakyat nang ligaw sa dalaga.

"Does your parents know you're here Kilian.?" He can't help to ask. At dahil dun ay siniko sya ni Sandy at ngumiti ito nang makahulugan kay Kilian. "Pagpasensyahan mo na ang Tito Elio mo. Maraming concerns sa buhay." Pagkasabi nun ay hinila sya nito. "Come on, help me prepare our dinner."

Susunod sana ang bunsong anak sa kanila nang sinyesan nya itong manatili sa sala para mabantayan nila ang dalawa pero mukhang napansin iyun ni Sandy.

"Arien, come here. Leave your ate with Kilian."

Tumalima naman ito at magiliw na dumila pa ang anak sa kanya. Pinanlakihan nya lang ito nang mga mata. Kahit kelan talaga ay may pagkamaloko itong si Arien. Hindi nya alam kung kanino ito nagmana. Marahil ay kay Vel. Madalas kasi itong tumambay sa bahay nang kapatid nya para makipaglaro sa mga pinsan nito.

Habang abala si Sandy sa paghahanda nang hapunan nila ay abala naman sya sa pagsilip kay Bry at Kilian sa may sala.

"Elio, stop it. Mukha kang ewan dyan."

Kaagad na lumapit sya sa asawa at yumakap sa likuran nito. "Baby, I can't believe you said that. This ewan guy is so in love with you, you know." At pinupug nya nang halik ang leeg nito.

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon