PINALIBOT ni Sandy ang tingin sa maliit na apartment na pag-aari nang dating kasambahay nila na si Manang Fe. Natigil lang ito sa pamamasukan sa kanila noon nang mag-abroad na ang nag-iisang anak nito sa Saudi.
"Pasensya na mga hija, medyo may kaliitan itong apartment nyo." Hingi nang tawad sa kanila ni Manang Fe. Ang ate Nori naman nya ay ngumiti at sumagot. "Manang, sakto na po ito samin. Nagpapasalamat nga po kami at may matutuluyan kami."
Tumingin ang ate nya sa kanya, at nagets naman nya ang gusto nitong sabihin nya. "Salamat po, Manang Fe." nakangiting saad nya.
"Kahit hindi na muna kayo magbayad nang upa, saka na kapag kaya nyo na, Nori."
Nang marinig yun nang ate nya ay agad na umangal ito. "Ay Manang, alam kong kapos din po kayo..kaya wag po kayong mag-alala magbabayad po kami. Sobra-sobra na nga po itong tulong nyo samin." Nagbaba nang tingin ang ate nya. "Saka po may hihingiin pa po kaming pabor, Manang."
Agad na lumapit ang matanda sa kanila at tumabi sa ate nya. "Ano yun, kung makakatulong ako bakit hindi."
Tumikhim muna si Nori. "May alam po ba kayong pwede naming mapasukan nang trabaho?. Kahit saan po, tatanggapin po namin."
"Ganun ba? Wag kayong mag-alala magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko."
"Maraming salamat po." sabay nilang sambit nang kapatid.
When Manang Fe left, her sister pulled her into the room. "Ano bang laman nang mga yan Sandy?." Nori pointed at the two black luggage, marahil ay may ideya na rin ito kung ano ang mga laman talaga nito.
Napangiwi sya. Ayaw nyang ipaalam dito ang mga sapatos na collection na dala-dala nya. Saka na nya ibebenta ang mga ito kapag talagang wala na silang makain.Tutal ay may pera na naman silang nakalaan para sa pagkuha nang abogado sa ama.
Milyon din ang halaga nang mga sapatos kung pagsasama-samahin.
"Mga damit po." pagsisinungaling nya.
Umismid ito. "Nga pala, yung pera na nabentahan natin sa mga gamit natin. Hindi natin yun pwedeng ibangko." nagtagis ang bagang nito. "Tiyak kasi na kukunin yan satin kapag nalaman nilang may pera pa tayo."
"Dapat yata ate ibahin din natin ang apelyido natin. I mean... to avoid discrimination. Malamang kilala na ngayon ang pamilya natin bilang manloloko." mahinang saad nya.
"I was thinking the same. Kaya nga hindi rin tayo pwedeng mamili nang trabahong papasukan. Tiyak na walang tatanggap satin."
"What do you mean? May napili na nga akong company na gusto kung aplayan e."
"No, kailangan yung trabahong aaplayan natin eh yung hindi kailangan nang mga requirements. So stop dreaming of working in a well known company because it's not gonna happened."
***
HINDI maipinta ang mukha ni Elio habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi ni Monica. Bakit ba nagkipag date pa sya sa babaeng to? Heto tuloy at ayaw na syang tantanan.
Kung alam nya lang na magiging obsess ito sa kanya ay nunkang makikipagkita sya dito. Kasalanan ito nang malandi nyang pinsan na si Clyde. Na mukhang ginawa nang hobby ang pakikipag blind date.
"Elio, are you still with me?!." pagtataray nito sa kanya.
Kung pwede nya lang itong kaladkarin ay kanina nya pa ginawa. Ang pinaka ayaw nya sa babae eh yung sinisigawan sya, especially inside his own territory.
"I don't want to be rude Monica but please can you get out of my office?." Nagtagis ang bagang nya. "While I can still composed myself to drag you out with my own hands."
BINABASA MO ANG
Desirous Men 1: ELIO | Completed
Romantizm[𝗥-𝟭𝟴] Sandy Jean Lobangco have everything in life has to offer. Marangyang pamumuhay, mapagmahal na kapatid at ama. Until their father got arrested because of extortion. Nawala ang kompanyang tinaguyud nito, ang mansyon nila at ang lahat nang p...