KAAGAD na bumangon si Sandy nang magising sya kinabukasan. Dali-dali syang nag-ayos. Pagkatapos makapagbihis ay lumabas na sya nang kanyang silid.
Nadismaya sya nang makita ang mga unan at kurtinang pinagamit nya kina Elio kagabi na maayos na nakatupi sa may sofa. Pumunta sya sa may kusina at nakita ang ate nya na nagkakape.
"Initin mo nalang sa microwave yung gatas mo. " Sambit ni Nori nang magtaas ito nang tingin sa kanya. Kasalukuyan itong nagbabasa nang kung ano sa magazine na hawak-hawak nito.
"Anong oras sila umalis?."
Umismid ang kapatid. "Kanina pa." Tiniklop nito ang binabasang magazine at sinenyasan syang umupo na. "Akala ko ba wala na kayo nang lalaking yun? Bakit sinasabi nya saking dapat ay bumalik ka na daw dun sa bahay nya dahil mas makakabuti daw yun sa relasyon nyo?."
Sandy pressed her lips together. "I can't break up with him. I'm sorry ate pero mahal ko sya."
Umirap si Nori sa kanya. "Bagay nga kayong dalawa. Parehas kayong makulit."
"Nag-usap ba kayo? Anong sinabi nya sayo?."
Tumayo na ang kapatid at inayos ang mga dadalhin nito sa pagpasok sa munisipyo. "He mentioned that he got an interview in the afternoon today. Channel 8 he said."
Sasagot pa sana sya nang tinalikuran na sya nito, narinig nalang nya ang pagbukas at pagsara nang kanilang pinto.
Ano naman kayang interview ang sinasabi nang binata. May kinalaman ba sya dito? Sa naisip ay bigla syang nakaramdam nang kaba sa kanyang dibdib.
Buong umaga na ibinuhos ni Sandy ang paglilinis sa kanilang apartment. Nang maalala ang tungkol sa interview ni Elio ay nagmamadaling binuksan nya ang tv. Bakit ba kasi hindi nya naitanong kung ano mismong oras ang palabas na yun?
Nang mabuksan na nya ang tv ay kaagad na inilipat nya ang channel sa channel 8. Bumungad sa kanya ang isang talk show. Hindi nya kilala ang babaeng host dahil sa totoo lang ay hindi naman sya mahilig manuod noon paman nang tv. She rather go out and spend time with her friends than to stay at home and watch tv.
Papatayin nya na lang sana ang tv nang makita si Elio na nakaupo sa gilid nang sofa na kinauupuan nang host.
Hindi nya mapigilan ang sarili na humanga sa kagwapuhan nang binata. Nakasuot ito nang puting long sleeve shirt na nakarolyo ang sleeve hanggang siko. Ang pang-ibaba naman nito ay color beige chino trouser na pinarisan nang white slip-on sneakers.
Host: "Welcome to the show Emilio. Despite your busy schedule, we are so happy that finally you grant us a visit."
Elio: "Thank you for having me. My pleasure to be here."
Anong pakulo naman kaya ito nang binata? Bakit parang kinakabahan sya.
Host: "Emilio hindi nako pagpapaliguy-ligoy pa. Isa ka sa mga kilalang hottest bachelor nang bansa. Ang isang Emilio Romulo Sevilla ba ay single or in a relationship ngayon?"
Sa tanong nang host ay biglang naglakasan ang tilian nang mga audience na nasa studio. Mas lalo tuloy lumakas ang pagtibok nang puso ni Sandy. Nanlamig ang kanyang mga kamay.
Elio: "I'm in a relationship right now."
Sa sinagot nang binata ay pati ang host ay napatili narin kasama nang mga babaeng audience nang show.
Host: "Do you mind sharing us the name of the woman you are in a relationship with?."
Kung puso ang paiiralin ni Sandy hinihiling nya na Elio would say her name. But her mind ask for the opposite.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 1: ELIO | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Sandy Jean Lobangco have everything in life has to offer. Marangyang pamumuhay, mapagmahal na kapatid at ama. Until their father got arrested because of extortion. Nawala ang kompanyang tinaguyud nito, ang mansyon nila at ang lahat nang p...