Chapter 13

13.3K 277 10
                                    

PAGKATAPOS humagulgol ay nakadama nang antok ni Sandy.

Naalimpungatan sya nang marinig ang pagring nang cellphone nya. Ate calling...

Dali-dali nya itong sinagot. " Hello ate.."

"Sandy, please tell me you're leaving that house soon."

Napahikbi sya. " Yes ate...actually I will do it tonight." Wala syang pakialam kung mag-aalas diyes na nang gabi. Ayaw na nyang makita o maka-usap si Elio. Para ano pa? Hindi rin naman sya kinakausap nito.

"Are you okay lil sis?." Puno nang pag-aalala ang boses nito sa kabilang linya.

"He doesn't like me anymore ate..."

Tumikhim ito. "I know.." Nori paused. "Actually nakita ko sya nung isang araw sa isang restaurant na may kasamang babae. I'm sorry Sandy...nasabi ko sa kanya ang totoong apelyido mo. Huli na nang maalala ko..."

Alam na nito na isa syang Lobangco? Kaya ba ganito na ito sa kanya ngayon?

"I have also a news for you..." pukaw nito sa pag-iisip nya.

"Si Emilio Romulo na ang bagong nagmamay-ari nang L.Co. I told you he wanted our company long time ago. He finally succeeded."

Nakuha na ito ang matagal na hinahangad. Pero bakit ganun? Ni wala syang maramdamang galit sa narinig?

"I will see you soon te..." nasabi na lamang nya at tinapos na ang tawag nito.

Kaya pala malamig na ito sa kanya. Nakuha na nito ang company nila at may bago narin itong babaeng kinalolokohan.

Ang sabi nito ay busy ito kanina pero nang dumating naman ang Marj na yun ay biglang nagka-oras ang binata. Sa kwarto pa talaga nito dinala ang bagong girlfriend nito. Ni hindi man lang nakonsensya ang binata na itago ito sa kanya!

Parang sa isang iglap ay nawala ang pagmamahal nito sa kanya. What an asshole! Tama si Dad at si ate Nori.

Dali-dali syang nag-impake nang mga damit nya. Iniwan nya ang mga damit o bagay na binili para sa kanya ni Elio.

Hila-hila na nya ang dalawang maleta nya nang nasa sala na sya. Iginala nya ang paningin sa paligid. She will definitely miss this house. His house.

She will miss him for sure. At nakakasama nang loob na sya lang ang nakakaramdam nang pagkamiss dito.

Marahil sa mga oras na ito ay tulog na ang binata. Naisip nya. O baka naman hindi pa nakakaalis ang babae nito?

Sa naisip ay parang gusto na naman maiyak ni Sandy. Bakit ba ang bilis nyang maging emosyonal nitong mga huling araw? Hindi naman sya dating ganito.

Kaagad nyang pinunasan ang mga mata na nagbabadyang maluha at naglakad na sya papuntang pintuan nang bahay nito.

Nakalabas na si Sandy nang kabahayan at nasa may garahe na sya.

"Where are you going?."

Napapitlag si Sandy nang marinig nya ang baritonong boses na kilalang-kilala nya.

Lumingon sya sa may kanan nya kung saan nakalapit na ang lalaki sa kanya. Anong ginagawa nito sa labas nang bahay nang ganitong oras?

"Elio.."

"I'm asking you Sandy, where are you going?." Hinablot nito ang dalawang maleta sa pagkakahawak nya at inilagay iyun sa may likuran nito.

"Ibalik mo sakin ang maleta ko Elio." At sinalubong nang matalim na tingin ang mga mata nito. Dahil sa ilaw na naggagaling sa garahe ay kitang-kita ni Sandy ang magkahalong emosyon sa mga mata ni Elio.

Desirous Men 1: ELIO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon