✨Keith Ash's POV✨
🧝
Bakla, dahan-dahan naman sa paglamon. Ano? huling araw mo na ba'to at ganiyan ka ka-hungry much. Kalerkey ka huh! Buti kung pera mo ang ginastos mo diyan, balak mo pa atang ibankrupt ang credit card ko, baklang tohhh," maarteng saway saken ni Eon.
Tinitigan ko siya ng pagkatalim-talim para matakot at nang hindi ako istorbohin sa pagkain. Minsan lang mangyari to sakin eh. Magbiro ka na sa naglalaro, wag lang sa first time. (A/C: imbento ko lang, hahaha) Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkaing nakahain sa harap ko.
Mukhang natakot naman siya kaya hindi na siya umimik. Kumain na lang din siya muna katulad ko dahil mukhang nagutom rin. Dami kasing sinasabi kanina.
Nandito pala kami ngayon ng kasama ko sa canteen ng University. Nagulat nga ako eh dahil sa laki nito. Halos ilang segundo nga akong nakanganga sa entrance palang ng canteen dahil sa pagkamangha. Nakakahiya nga lang dahil ang pinagtatawanan na pala ako ng mga taong labas-pasok rito. Buti na lang talaga may kasama akong gumising sa katangahan ko. Remember the person na may pagka-konyo na biglang nanghipo ng private thing ko, siya ngayon yung nasa harap ko and the name is Eon Del Valle.
Katulad ko, masasabi kong malapit na siyang maging babae talaga. Dahil sa pangarap niya raw yun, eh ginawa niya daw talaga ang lahat para maging ganun ang itsura niya which is his girly face. Pinagkaiba lang namin, natural yung akin pero sakanya, may dagdag-bawas na Hindi ko lang alam kung sino ang doktor niya sa pag-ayos nun, ang galing kase.
Kung sa ugali naman, masasabi kong masaya siyang kasama pero nakakarindi ang pagiging konyo niya. Straight to the point, in short taklesa. Yan palang naman ang napapansin ko simula kanina hanggang ngayon na magkasama kami.
Nang malapit ng maubos ang spaghetti na kinakain ko, eh tumingin ako kay Eon upang malaman ang sagot sa kanina ko pa gustong itanong sakanya.
"Hmm......Eon, curios lang ako sa sinabi mo kanina sakin, na next week na ang start ng klase natin........, pero bakit andami ng estudyanteng naka-uniform?" tanong ko rito ng may pagtataka.
Natigil ito sa kaniyang pagkain upang harapin ako.
"Taga-saang planet ka ba nanggaling bakla ka? Kanina pa ako nawe-weirduhan sa mga tinatanong at sine-say mo huh," sagot nito sakin habang may may laman ang bibig.
"Eh bakit ba? Bago lang ako rito kaya may karapatan akong malaman ang lahat no tsaka diba sabi mo sasagutin mo lahat ng tanong ko," pangongonsensya ko sakanya.
"Andrama bakla huh! Sige na nga,.. pero pwede maya-maya naman. Wala pa ako sa kalahati ng kinakain ko eh. Wala ba akong KARAPATAN na ubusin muna itong pagkain ko, ikaw lang ba ang pwede, huh?" nakataas-kilay nitong kuda sakin.
"Okay po. Dami mong sinasabi diyan," sabi ko naman.
Ipinagpatuloy niya na ang kaniyang pagkain habang ako naman ay nagmamasid-masid lang sa paligid.
Nakaagaw-pansin sakin ang grupo ng mga kababaihang masayang nagtatawanan sa isang table. Ayoko mang mang-judge ng tao, pero mukhang sila ang 'mean girls' ng school na'to dahil bukod sa gara at pagkaikli-ikling nilang kasuotan, nagpupulahan ang din ang kanilang mga pisngi at labi samantalang sa katabi naman nitong mesa ay mga estudyanteng naka-uniform. Kabaligtaran naman ang makikitang senaryo sakanila. Seryoso lang sila sa kanilang pagkain at walang tinig ang lumalabas sa kanilang mga bibig.
Sa simula, okay lang naman ang naging takbo ng pag-obserba ko sa buong canteen, pati na rin sa mga taong labas-pasok rito.
Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas, isang malakas na sigaw ang nakaagaw-pansin sa aking atensyon. Actually, lahat pala ng tao rito sa loob even Eon na napatigil sa kaniyang pagkain.
Parehas naming naibaling ang aming paningin sa nagmamay-ari ng nakaririnding sigaw na iyon.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasyMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
