✨ Headmistress POV✨👩💼
"Ngayong nalaman niyo na ang dapat niyong malaman, may magrereklamo pa ba sa mga nangyayari ngayon?" seryoso kong tanong sa mga kaibigang nasa harapan ko na ngayo'y katatapos lang makita ang inalis sa'ming ala-ala ng anak ng Bathalang Arceus.
Mukhang naputol na ata ang mga dila nila kaya walang sinuman ang agad na nakapagsalita, kung kaya't ako na muli ang bumasag sa katahimikang namumuo sa opisina ko.
"Alam kong nagulat kayo at marami kayong tanong na gusto niyong itanong, ngunit hindi ko iyan masasagot kung ganiyan lang kayo hanggang sa mag-umaga na nakatunganga lang sa pagmumukha ko," walang-ganang wika ko ulit.
Mabilis naman nilang inayos ang kanilang sarili pagkasabing-pagkasabi ko ng mga katagang iyon.
May mga nagpunas ng kanilang basang pisngi dahil sa bakas ng mga luhang nagsipatakan sakanilang mga mata habang nangyayari ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan katulad nina Maria, Gail, at Fina. Sina Blue at Cristoff naman ay humikab na parang inaantok habang pasimpleng pinupunasan ang mga pisngi nito. Tss! Lalaki nga naman! Hindi naman na ako nagtaka ng hindi man lang gumalaw si Selene dahil expected na ito sakaniya ngunit ang mga mata nito'y kakikitaan ng pagtataka at katanungan. Sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamatapang at palaban.
"Matagal mo na ba'tong alam Athena?" diretsong tanong ni Selene habang mariing nakatingin sa'kin.
Salamat naman at may nagsalita rin. Ako ang nagmumukhang walang-alam sakanila eh.
"Simula nang mangyari ang biglang pagbuo ng kulay lillang doma sa kagubatang iyon, ay nagmadali agad akong humingi ng tulong sa isang mapagkakatiwalaang kakampi, at kung sasagutin ang iyong katanungan, ay sakaniya ko lamang din nalaman ang katotohanan sa ating magkakaibigan," sinsero kong paliwanag.
"We-wait nga Ateng! Anong atin? Eh wala ka namang anak dun sa loob diba?! Don't tell me, nanganak ka ng hindi namin alam? Nakakapagtampo ka naman niyan masyado," nag-iinarteng wika naman ni Fina.
"Yeah! Fina's right Athena. Atsaka, don't tell me na katulad ng anak kong si Erick Flomark ay ang mga inaanak ko rin sainyo ay mga napili rin ng anak ng Bathalang Arceus?" nagtatakang tanong ni Maria sabay tingin sa'ming lahat na nakatingin sakaniya.
"Yup. My son Gary was also chosen kaya like Gail's son, ay nakuha niya rin pareho ang grant ng kaniyang mommy," diretsang sagot ni Blue ngunit halata Ang biglang paglungkot nito sa huling salitang sinabi.
Mahal na mahal talaga niya ang asawa niya hanggang ngayon."Also, my daughter Cynthia. Dahil sa basbas nito kaya nagkaroon ng kapangyarihan ang aking anak," dugtong ni Cristoff sa sinabi ni Blue na ikinalingon naming lahat.
Kaya pala ganun na lang ang nangyari sa inaanak kong yun after her 7th birthday, kase pagkaihip na pagkaihip niya ng kandila ng kaniyang cake ay tsaka kami nagsilutungan sa ere. Tuwang-tuwa nga kami para sakaniya lalo na ang mommy nito na akala'y late bloomer lang talaga ito.
"Cool! Kaya pala nagmala-darna tayo noong birthday niya dahil isa rin siyang sangre! Isn't it amazing!!" may galak na wika ni Fina.
"Yeah, sa maniwala kayo o sa hindi pero nagkaroon naman siya ng takot sa dugo kaya pansin niyo naman ang pagbabagong nangyari sakaniya. From lapitin ng gulo, ngayo'y laging lumalayo sa gulo real quick!" nakangiting wika ni Cristoff.
"Siguro'y ganun ang gustong mangyari ng pumili sa'ting anak, kagaya ng anak kong si Terrence William na sinunod ko ang payo nito. Pinalaki ko siya ng may mabuting hangarin, pati na rin ang hindi pagtanim ng galit sa kung sinuman," nakangiting wika naman ni Gail.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasyMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...