TOH Chapter 10: First Horsemen Part 1

1.2K 67 7
                                        


Ash Keith POV

🧝

Tama nga si Eon na sobrang ganda rito sa Fairyland pero kanina pa ako palinga-linga dahil sa sobrang kasabikan kong makakita ng fairies tulad ng sinabi ng kasama ko kanina.

"Akala ko ba may fairies dito pero bakit wala naman akong makita Eon?" may pagtatampo kong tanong rito.

"Ako nga rin eh. Mukhang totoo nga yung sinabi ni Witch Master na naging mailap sila after what happened 10 years from now," malungkot na sabi nito sakin.

"Anong ibig mong sabihin Eon? Anong nangyari sampung taon ang nakalipas?" may pagtataka kong tanong sakanya.

"Halika, upo muna tayo sa bench para makuwento ko sayo at the same time makapagpahinga na rin dahil napagod rin ako kakalakad eh," paanyaya nito sakin.

"Okay. Tara! May nakita akong bench malapit dun sa may maliit na lawa," sagot ko naman sakanya.

Lumakad na ako para balikan muli ang batis na napuntahan namin kanina. Hindi ko nga akalain na sakop pa rin ito ng Skylar Academy.

Ilang sandalali lamang ay nahanap na namin ang bench pagkatapos ay naupo roon.

"So, ganito iyon bakla. Sabi ng Grandwitch ng village namin, palakaibigan daw at laging nakikisalamuha sa lahat ng tao ang mga fairies. Mapa-granted ka man o hindi. Maraming naitutulong ang mga fairies sa mga tao dahil gamay nila ang kapangyarihan ng pangunahing elemento tulad ng apoy, lupa, hangin, at tubig. Maging ang pangalawang elemento ay kanila ring naipapamalas tulad ng yelo, kidlat, halaman, at metal. Lastly, kaya nilang i-transfer ang kanilang kapangyarihan sa taong gusto nilang bigyan nito. Malalakas sila actually pero sabi ng Grandwitch namin, ang kahinaan nila ang nagpabagsak sakanila," pasuspense na sabi niya sakin.

"Lahat naman may kahinaan ah! Ikaw nga ang kahinaan mo lalaki, hahahaha!" biro ko sakanya.

"Bakla ka, nakuha mo pang magbiro eh serious ako rito," masungit na tugon nito sakin.

"Eh, sorry. Sige tuloy mo na, hehe," sabi ko naman.

"So ayun nga, dahil sa weakness nila, naging mailap na sila. Ang kahinaan kase ng mga fairies ay bad intentions at ang mabuti nitong kalooban. Hindi sila nagagalit o nagtatanim ng galit sa iba kapag nagawan sila nito ng kasalanan dahil naniniwala sila sa karma ng kalikasan. Kapag ginamit kase sa kasamaan ang kapangyarihan nila, unti-unti silang mamatay. Isang araw kase may isang ordinaryong nainggit sa kanilang kakayahan. Sinubukan niyang manghuli ng isang fairy pero hindi niya inaasahang dalawa ang makukuha niya. Magkasintahan ang nakuha ng lalaki. Ang kuwento-kuwento ay isinakripisyo ng babae ang buhay niya kapalit ng kalayaan ng lalaki. So yun nga after mahuli ang dalawang fairies, ikinulong niya ito at tinorture physically. Ang tanging hiling lang naman ng lalaki ay kapangyarihan pagkatapos ay pakakawalan na ito. Naawa ng lubos ang babae sa sinapit ng kaniyang kasintahan dahil siya lamang ang tumatanggap ng pisikal na pang-aalipusta. Nagdesisyon ang babae na ibigay na lang niya ang kaniyang kapangyarihan sa lalaki kahit alam niyang kamatayan ang naghihintay sakanya. Napasakamay nga ng lalaki ang inaasam niya. Pinakawalan niya ang lalaking fairy. Ngunit," pagtigil nito sa pagku-kuwento.

"Ngunit?" patanong kong sambit sakanya.

"Ngunit, I need water. Nauuhaw na ako bakla. Wala ka man lang concern sakin kung mawalan ako ng hininga o maubusan ng laway. Very bad Ash!" himutok nito sakin.

The Omnikinetic HeirStories to obsess over. Discover now