✨Selene's POV✨
*Celestina's 2nd Mother*
Hindi matanggap ng utak ko ang katotohanang aking natuklasan sa nakaraan, dahil na rin sa tulong ni Athena. Katotohanang kaming anim na magkakaibigan, kasama ng apat na Horsemen, ay ang tumapos sa kasamaan ng lider ng mga grantevil. Taliwas sa kaalaman naming tanging ang mga horsemen lamang ang kumitil ng buhay nito.
Hindi pa ako nakakarecover sa'king natuklasan nang biglang magbago ang senaryo ng paligid.
Gulat ang lumukob sa'king pagkatao nang mapagtanto ko kung nasaan ako.
Nasa aking harapan ang aking sarili na nakaupo sa bakal na upuan sa aming veranda habang nakatingin sa madilim na kalangitan at yakap-yakap ang isang picture frame.
Ang senaryong ito ay isang buwan pagkatapos ng libing ng aming kaisa-isang anak ng aking asawa. Ang hawak kong picture frame ay that time ay kaming tatlo ng aking asawa at ng aking anak noong nabuhuhay pa siya.
Lubos akong nagdurusa noong panahon na iyon, dahil matapos mamatay ng aking anak ay sumunod naman ang aking asawa. Paano sila namatay? Dahil sa mga grantevil! Kampante na kase ang lahat dahil ang akala nami'y wala ng natitirang grantevil ngunit nagkakamali kami.
Nang minsang mawala sa paningin ko ang aking anak habang naglalaro siya sa aming bakuran, ay huli na nang napansin kong nawawala na pala ito.
Hinanap namin siya kung saan-saan. Nagpatulong na rin ako sa mga kaibigan ko ngunit nabigo kami. Hindi ko naman macontact ang asawa ko dahil isa siyang militar noong panahon na iyon. Kahit na isa siyang granted, ay mas ninais niyang magsilbi at protektahan ang mga ordinaryong tao.
Matapos ang dalawang araw, isang nakakagulantang na balita ang dumating sa'kin. Ang aking anak ay nakita na ngunit Wala na itong buhay. Pugot ang ulo nitong nakatusok sa isang bakal sa mismong gate ng aming bahag. Lubha akong nagdurusa dahil sa matinding pighati at lungkot na nararamdaman ko.
Nalaman kong kinuha pala siya ng mga grantevil na nagpapagala-gala noong araw na mawala siya pagkatapos ay nilapastangan ang katawan ng paulit-ulit hanggang ang katawan na nito ang sumuko.
Akala ko'y iyon na ang katapusan ng masamang balita ngunit hindi pa pala, dahil isang araw pagkatapos makita ang bangkay ng aking anak, isang balita naman mula sa kampo ng aking asawa ang dumating na sobrang nagpaguho ng mundo ko.
Ang sabi ng isa sa mga nakaligtas na kasama ng aking asawa ay may misyong naiatang sakanila. Pinuntahan nila ito at nagulat na lamang ang karamihan sakanila dahil hindi pangkaraniwang tao ang umatake sakanila.
Pagkarinig na pagkarinig ko niyon ay sobrang napuno ng galit ang aking puso sa mga grantevil. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay patayin ang lahat ng mga grantevil hanggang sa kahuli-hulihang miyembro nito.
Matapos ng libing ng aking asawa't anak, kahit na nagdurusa pa rin ang aking puso ay itinuloy ko ang aking plano. Lumalabas ako pag gabi upang kumitil ng grantevil. Hindi natatapos ang araw na wala akong napapatay kung kaya't nagugulat na lang ang iba dahil may natatagpuang silang katawan kinabukasan sa lugar ng kanilang kinamatayan. Madali na lamang kase para sa'kin maidentify ang mga grantevil, dahil isa ako sa rare type offspring ng isang grant sensor at grant transferrer. Being a grant sensor, naaamoy ko ang grantevil sa hindi.
Nabansagan pa nga akong 'Grantevil Terminator' hanggang ngayon pero hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. Alam kong alam ng mga kaibigan ko ang ginagawa ko pero nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako pinipigilan dahil kung susubukan nila, baka sila ang makalaban ko.
Iyon ang kwento ng buhay ko at ang nakikita ko sa harapan ko ngayon ay ang oras pagkatapos kong kumitil ng isang grantevil.
Ganito kase ako after that killing. Pupunta ako sa may veranda namin tapos uupo sa bakal na upuan, then titingin sa nagkikinangang bituin sa kalangitan habang yakap-yakap ang picture frame naming tatlo na magkasama.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasiMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
