✨Gary's POV✨
🤵
Kanina pa kami nagtitingin-tingin rito sa mga punong nakapalibot sa'min hindi kalayuan sa aming pwesto kanina, baka kase may mangyari sakanila tapos ang layo-layo namin, eh di hindi agad namin sila makikita.
"Ano ba'yan, wala man lang kabunga-bunga ang mga puno rito, paano na tayo ngayon nito?" singhal ni Nerd dahil sa inis.
Nilapitan ko naman agad ito pagkatapos ay tinapik sa balikat.
"Kalma lang pre! Ito pa lang naman ang natitingnan natin eh, marami pa diyang iba. You're overacting!" natatawa kong wika sakaniya.
"Tss!" tanging sagot na lang nito sabay alis sa harapan ko.
Bakit ba ang taray nito? May regla ba'to ngayon? Tss! Bahala siya.
Ngunit agad akong nagtaka nang makita ko siyang malayo na sa aming pwesto kung kaya't sinundan ko ito pero syempre isasama ko si Terrence. Mahirap na!
"Terrence!" tawag ko rito.
Lumingon naman siya pagkatapos ay nagsalita.
"Bakit Pare? Babalik na ba tayo? Nakakahiya naman kung wala man lang tayong dala para sakanila," may himig ng lungkot na sabi nito.
Umiling muna ako pagkatapos ay sinabi ang ideyang naisip ko.
"Hindi naman atang masamang lumayo tayo ng konti diba? Atsaka, sa tingin ko walang kahit na anong puno rito ang may bunga. Bakit? Hindi ko alam! Hahaha!" sabi ko rito sabay tawa.
"Ang lakas ng trip mo pre pero sige. Saan na ba tayo pupunta?" tanong niya.
"Sundan mo lang ako," sabi ko rito.
Sumang-ayon naman siya sa pamamagitan ng pagtango kaya sinimulan na naming lakarin ang daang tinahak kanina ni Nerd.
Habang naglalakad kami ay pansin ko ang unti-unting pagkawala ng mga puno sa paligid, hanggang sumalubong sa'min ang napakalawak na grassland.
Ramdam ko tuloy ang malakas yet masarap na hanging yumayakap sa'king katawan.
"Ang refreshing pre ng hangin!" bigla kong bulalas habang nakapikit pa at nakataas ang dalawang kamay.
"Oh pre! Baka naman labasan ka na niyan! May papikit-pikit ka pa diyan, akala mo si Jack Dawson ng Titanic! Sino iniimagine mong Rose, si Baby Eon ba! Hahahaha!" tumatawa nitong wika na ikinamulat ko.
Sinuntok ko ito ng mahina sa balikat niya tapos ay natawa rin.
"Loko-loko ka talaga Terrence! Kung may Rose man akong gustong makasama, hindi siya yun dahil Romeo siya, hindi si Juliet!" sabi ko sabay tawa.
Natigilan naman si Terrence sakaniyang pagtawa, baka dahil sakaniyang narinig.
"Eh ano yung mga sweet scenes niyo lagi? Hindi malabong magustuhan ka nun pre kase halata naman ang pagkapusong babae nun?!" nagtataka nitong tanong sa'kin.
Napatawa muna ako sakaniyang tinatanong bago sumagot
"Seryoso ka pre?! Yan talaga pag-uusapan natin?" tanong ko nang may ngisi.
"Hehehe, pasensya na! Curios lang pre," kamot-batok nitong tugon.
"Para matahimik ka Terrence, si Rose ay para kay Jack at si Juliet ay para kay Romeo lamang. And after all, we're just friends, a very good friends," may ngiti sa labi kong wika sakaniya.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasyMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
