✨ Aries Kurt POV✨
🤴
Pupungas-pungas kong iminulat ang aking mga mata habang humihikab. Inunat ko na rin ang aking katawan at legs ng nakaupo pa din kase nakaramdam ako ng pangmamnhid.
Tiningnan ko ang paligid at napagtanto kong nasa office pa rin ako ng Skylar Student Council.
Tatayo na sana ako nang mapansin ko ang paglaglag ng isang piraso ng mahabang tela mula sa balikat ko.
Kinuha ko ito mula sa sahig pagkatapos ay mariing pinagmasdan.
Kumot? Ang alam ko lang nakatulog ako pero hindi ako nakapagkumot ah. Hindi kaya.....?
Napangiti na lang ako sa'king naisip. Akala ko talaga iiwan niya akong wala man lang protection sa lamig na ibinubuga ng aircon.
Ang mesa ko rin ay malinis na at wala man lang kagulo-gulo. Mukhang tapos na rin ang pinasort-out kong papeles dahil nakafolder na rin to.
"Salamat Keith," pabulong kong sabi sa hangin habang nakangiti.
Sinulyapan ko ang upuang nasa harap ko pero wala ng anumang bakas ng kahit anong nilalang sa pwestong iyon.
Nagpapahinga na ata ang isang yon kaya ako rin ay papanhik na rin sa aking dorm. Kulang na kulang pa talaga ang tulog ko sa dami ng inasikaso ngayong araw.
Tinupi ko ang kumot na kaninang nakayakap sa'king katawan pagkatapos ay inilagay ito sa main couch. Alam ko namang doon niya ito kinuha. Nang masigurado kong okay na ang lahat ay tsaka ako umalis sa pwesto ko.
Napahikab pa nga ako ulit kaya sa kamalas-malasan ay nabangga ko ang mesa, pagkatapos ay napatama pa ang isang daliri ko sa paa sa isang haligi ng mesa ko.
Shit! Ang sakit! Arggghhhhh!
Napaupo muli ako sa swivel chair pagkatapos ay tiningnan ko ito. Mabuti na lamang at walang sugat pero masakit pa din.
Lilinga-linga ako, nagbabasakali na baka may makita akong oitment o kahit ano na pinapahid sa masakit na katawan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay iba ang nakita ko mula sa ibabaw ng mesa aking mesa. Nasa ilalim pala ito ng mga folder kaya hindi ko masyadong nakita kanina, buti na lang nagalaw ng konti ang mesa. Isa itong sticky note na may message. Agad ko itong kinuha pagkatapos ay binasa.
"Natapos ko na ang pinapagawa mo Kurt. Pasensya ka na kung hindi na kita nagising pa dahil alam kong pagod ka pa. Kinumutan na rin kita, baka kase lamigin ka tapos magkasakit ka pa, huwag mo sanang mamasamain. Kung magising ka man, magpahinga ka pa rin dahil kailangan mo yun. Iyon lamang"
- A.K.M
Matapos kong basahin ang message niya ay nakaramdam ako ng saya. Sayang ngayong ko lang ulit naramdaman.
Ang kaninang iniindang sakit ko sa paa ay tila nagamot na ng kaniyang nag-aalalang mensahe.
Dugdug.
Dugdug.
Dugdug.
Dugdug.
Dugdug.
Dugdug.
Mukhang hindi ko naman yata talaga kailangan si Nurse Leo para magpacheck-up pa dahil may ideya na'ko sa nangyayari sa'kin. Ang hindi ko lang alam kung anong gagawin ko upang manatili ang kakaibang emosyon na'to.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasiMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...