TOH Chapter 29: His Closeted Feelings

600 52 2
                                        


Terrence POV✨

⛑️

End of Flashback•

"Skiploom Flower! Oo ta-Wtf! Anong nangyari sa'yo?! Hinawakan mo ba ang bulaklak?!" gulat at sigaw kong tanong kay Gary.

Hindi ito nakasagot sa'king tanong dahil kakikitaan ng takot ang mga mata niyang nakatingin lamang sakaniyang mga kamay na unti-unting sinasakop ng bahagharing kulay.

Nakuha ng atensyon ko ang nasa tapat nitong bulaklak na wala ng kakulay-kulay at kabuhay-buhay na bagsak sa lupa. Dapat pala hindi na'ko nagtanong pa dahil obvious na obvious naman na ang sagot.

"Kailangang malaman to' ng mga kasama natin! Ang tigas ng ulo mo Pre!" pagsasaway  ko na may halong inis sakaniya.

Hindi na siya nakatugon pa dahil mukhang umepekto na ang unang side effect ng bulaklak, ang ang pagkawala ng kakayahang magsalita orally and telepathically, ngunit alam kong marami siyang nais ihayag sa'kin about sa pagsisi niya at pagtanggap ng mga salitang sinabi ko sakaniya.

Agad kong sinabi sa'ming mga kasamahan telepathically ang nangyayari ngayon kay Gary dahil hindi ito dapat ipagsawalang bahala. Alam kong maririnig niya ang sasabihin ko ngunit wala na akong pakialam pa.

"Guys tulong! Si Gary nalason!!!"

Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na alintana ang aking sinabi kung nilason o naisumpa!!

Matapos kong sabihin iyon sa lahat ng kasama ko, ay tumingin ako kay Gary. Madaling basahin ang expression na nasa kaniyang mukha ngunit bakit ang bilis niyang mawalan ng pag-asa?!

Nagulat na lamang ako nang may tumulong luha mula sa kaniyang mga mata, isama pa ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sakaniyang labi.

Ang senaryong ito......ay nangyari na sa'kin ngunit ngayon naman ay sa isa kong kaibigan!?

Ba-bakit lahat ng nadidikit sa'kin napapahamak!! Wahhhhh! Nakakainis!

Sa sobrang taranta ko ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil baka may mawalay na namang mahalagang tao sa aking tabi dahil sa kagagawan ko. Dapat kasi, hindi ko na siya sinamahan pa! Tanga mo Terrence!!

Habang tinititigan ko siya ay nanumbalik lahat sa'kin ng takot at kaba wherein naramdaman ko rin sa araw na pinahamak ko ang aking bunsong kapatid.

Ni-relax ko ang aking sarili upang mawala sa isipan ko ang mga imaheng nangyari noon. I need to think fast!!!!!

Hindi ito pwede! Ano pa't naging anak ako ng dalawang kilalang healer kung wala akong gagawin! Papatunayan ko kay Papa na hindi siya nagkamali na naging anak niya ako.

Muli kong inalala ang mga dapat at hindi dapat gawin sa oras na makahawak ng Skiploom Flower.

Habang ginagawa ko ang mga dapat gawin ay naririnig ko pa sa'king isipan ang usapan nina Erick at ng iba pa kong kasama. Halatang tumatakbo sila dahil sa mabibigat na hinga nilang ibinubuga kahit na sa isipan ko  lamang naririnig.

"Erick sigurado ka ba sa daang tinatahak natin?! Ang layo na nito ah!" - Ash Mind (confused)

"OO nga Erick! Look, wala na tayo sa main path papauntang sentro!" - Cynthia's Mind (confused, irritated)

"Truee! Ang sakit na ng legs ko kakatakbo! Mygahdd! Time-out please!!!!! - Eon's Mind (exhausted, shouting)

"Buhay ng kaibigan natin ang nasa panganib, pagkatapos ay magiinarte ka diyan! Tumigil ka nga bakla!" - (irritated, shouting)

The Omnikinetic HeirStories to obsess over. Discover now