✨✨✨✨✨✨Ash Keith POV✨
"Why are you crying? Sinong nagpaiyak sa'yo?" kalmado niyang tanong sa'kin ng hindi lumilingon.
Hindi ba niya ako papagalitan man lang o pagsasabihan dahil late ako dumating? Atsaka nag-aalala ba siya sa'kin? Bakit naman kaya? Kung iyon nga ang dahilan, mukhang hindi naman totoo ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sakanya.
Mukhang sa tagal kong sumagot ay nainis na naman siya kaya siya muli ang nagsalita.
"Mangalay ang nakatayo lang, umupo ka kaya," wika nito na may bahid na pagkainis.
Lahat ng sinabi ko kanina, binabawi ko na! Ang moody person niya talaga.
Tutal pinauupo naman niya ako, eh di uupo. May upuan naman sa tapat kung saan siya nakaupo kaya dun lang ako sa kabilang side ng mesa sa tapat niya.
Hahakbang pa lang sana ako kaso isang galit na boses ang nagpatigil sa'king gawin ito.
"Saan ka pupunta?! Sit here, BESIDE ME!" singhal nito na ikinabigla ko na hindi pa rin tumitingin sa'kin
Bakit ba kase kailangan pang sumigaw, hindi na lang sabihin ang gusto niya. Alam ko anumang oras ay babagsak na naman ang mga luha ko dahil sa takot. Ang kaniyang pagsigaw sa'king harapan ay katulad kung paano ako sigawan at saktan nina Mama at Papa. Muli ko na namang naalala ang buhay ko sa mga kamay nila.
Para hindi halatang malapit na ako sa pag-iyak ay agad rin akong sumagot ng nakatungo. Nirelax ko na muna ang aking sarili bago gawin ang sunod na hakbang. Umupo ako sa tabi niya pagkatapos ay tinanong siya sa gagawin ko para matapos na'to at makaalis na rito.
"Hmmm, Kurt, anong gagawin ko?" mahinang tanong ko sakanya ngunit sapat na para marinig niya.
Kinuha niya naman ang dalawang bundle ng papel sa tabi niya na hindi ko alam kung para saan pagkatapos ay ipinatong sa tapat ng mesa kung saan ako naroroon. Isa lang masasabi ko, ang dami! Matatapos ko ba to ngayon lang? Baka malate ako sa next class ko nito.
"Sort it out by month/date/year. Madali lang naman yan kase nagawa mo na dati," walang gana nitong sagot sa tanong ko.
Itatanong ko ba? Baka kase magalit na naman tong lalaking to! Haysst, hirap pa naman kausap ng moody na katulad niya.
"Hmmm..paano kung hindi ko matapos ngayon? Kurt,...kase I think hindi ko ito matatapos lahat within the day kase malapit na rin next class ko," nahihiya kong turan sakanya.
This time ay tumingin na siya sa'kin. Tinging walang emosyon.
"Sinabi ko bang kailangang matapos agad within the day? Kung dumating ka kase agad ng maaga at hindi na nakipagharutan sa yelo na yun, eh di dapat kanina ka pa tapos! Simulan mo na yan! Dami mong satsat!" inis na wika nito sabay tingin sa ginagawa nito.
Napayuko na lang ulit ako at kunwaring tinitingnan ang mga papel sa tapat ko but this time, hindi ko na napigilang mapaluha. Nang pagmasdan ko ang kaniyang mukhang nagagalit ay si Papa ang nakikita ko. Ang kaniyang mga ngiting gumuguhit lamang sakaniyang labi kapag ako'y nasasaktan, sinasaktan o sasaktan pa lamang.
Sunod-sunod na pagpatak ng luha ang hindi ko na napigilan pa dahil sa pait ng ala-ala. Gusto ko na ito makalimutan ngunit paano kung ang nakapagpalabas nito ay ang lalaking nasa tabi ko na lagi kong makakasama!
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasyMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...