TOH Chapter 47: Rare Case of Rainbow Roses

878 64 26
                                        

Headmistress POV ✨

👩‍⚖️

(Same Day: Kung saan dinala ang walo sa Granted Clinic)

         Napakaganda sa mata ng mga nakikita ko ngayon. Ang aking mga kaibigan, kasama ang aking mga inaanak maliban sa anak ni Mira dahil nga nagkahiwalay kami ng matagal na panahon kung kaya't hindi ko ito nasubaybayan ngunit babawi ako rito.

        Nandito kami ngayong lahat sa clinic. Ang walong bata ay nakahiga sa clinic bed habang kinakausap ang kanilang mga anak tungkol sa mga bagay-bagay. Mayroong nagtatawan, nag-iiyakan at nag-aasaran at nananatiling tulog at ito'y si Mr. Mendez. I never thought na ganito pala kasaya magkaroon ng anak.

        Sa'king pagkakatitig sa mga ito'y, lumapit sa'kin ang isang hindi inaasahang tao upang kausapin ako.

        "Ahmm, A-athena pa-pasensya na pala sa inasal ko noong unang araw na magkausap tayo, natatakot lang talaga ako para sa kalagayan ng aking anak. Ikinatatakot ko rin kase na baka mangyari rin sakaniya ang nangyari sakaniyang ama. Salamat na rin dahil totoo ang sinabi mo sa'kin na lalabas ang anak ko sa gubat na'yon ng ligtas at buong-buo," masayang wika nito sa'kin sabay yakap na ikinabigla ko.

         Hindi ko naman kase ineexpect na yayakapin ako ng matalik kong kaibigan na si Mira. Matapos ko kaseng sabihin sakaniya at ipaalala ang lahat tungkol sa'ming nakaraan, ay hindi na'ko nito pinansin pa. Tulad ng iba ko pang mga kaibigan, ay nagbabantay rin ito sa labas ng gubat at hinihintay ang paglabas ng kaniyang anak.

         Ang tanging palaisipan lang sa'kin ay ang mga sinabi nito pagkatapos kong ibalik ang nabura niyang ala-ala na naging dahilan upang makalimutan niya ako, ang eskuwelahan, at ang ang buong Marinduque.

• Flashback •

         Nakalabas na sa opisina ang mga mga magagaling kong kaibigan maliban kay Maria at Blue dahil kakailangan ko sila ngayon din.  Uuwi daw muna ang iba para kumuha ng gamit na maaari nilang gamitin habang nagbabantay sa labas ng gubat.

          At kaming tatlo? Pupuntahan namin si Mira sa kwarto ko, kung saan siya mahimbing na natutulog. Pinatulog kase siya ni Blue, tapos binigyan ng magandang panaginip ni Maria kaya kailangan kong ipa-idispell ito sakanila para makausap ko ito ng maayos.

          Nang makarating na kami sa kwarto ko, which is connected sa office ko, ay agad kong nilapitan ang nakahigang babae. Umupo ako sa tabi niya pagkatapos ay hinawakan ang isang kamay nito.

        "Hey Athena, mind telling us kung sino ba siya? Hindi kase talaga namin siya mamukhaan. Bakit mo siya kilala?" rinig kong tanong ni Blue.

        "Yeah. Atsaka, she's an ordinary person, baka malaman niya ang mga kaganapan rito! Baka siya pa ang maging dahilan upang malaman ng gobyerno ang sikreto ng school na'to!" patutyada naman ni Maria.

         Napatingin ako ng masama sa sinabi ni Maria dahil hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito.

       "Mira wouldn't do that! Alam kong siya pa rin ang Mira na nakilala ko noon! Ang Mira na handang ipaglaban ang tama at hindi hayaang apihin ang mga  mahal nito sa buhay! She's the Mira I'm longing for too long because she's my...... she's my bestfriend," seryoso at may diing tugon ko naman kay Maria na ikinatahimik niya.

The Omnikinetic HeirStories to obsess over. Discover now