✨Ash Keith POV✨
🧝
"Parang mga bata talaga ang tatlong lalaking kasama natin no!" nakangiting sabi ni Faith na ngayo'y nakatingin sa tatlong lalaking naghaharutan sa aming harapan habang naglalakad kami.
Nang mahuli kasi nina Gary at Erick si Terrence, ay napagdesisyunan nilang dalawa na paggitnaan na lang nila si Terrence para wala na raw masabi na maaaring ikapahamak daw namin. Umagree naman ang lahat maliban sa'kin, kase nagtanong lang naman ako tapos hindi na nila pinatabi sa'kin si Terrence sa paglalakad, kaya kami na lang ni Celestina ang nasa gitna.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Faith dahil totoo ang sinasabi niya. Ang saya pala talaga na mayroon kang ganitong uri ng kaibigan. Napakaswerte ko talaga na nakilala ko sila.
"Nga pala guys, nakalimutan kong sabihin na nakuha ko na ang accuma ko!" masayang biglang sabi sa'min ni Faith.
Napatigil at kunot-noong napatingin naman kaming lahat na kasama niya sa paglalakad dahil sa aming narinig.
"Paano? Saan? Kailan? Bakit?" sunod-sunod na tanong sakaniya ni Terrence.
"Truelaley ba yan bakla?!" tanong naman ni Eon.
"Alin ba ang una kong sasagutin sa tanong niyo?" taas-kilay nitong tanong sa dalawa.
"Ah-hehe, sige. Ikaw na lang bahalang magkuwento, sensya na naexcite lang. Hehehe," kamot-batok na sabi ni Terrence.
"Ang arti huh! Hahahaha!" biro naman ni Eon kay Faith.
Inirapan lang ni Faith nang sabihin ni Eon ang tugon niya.
"Hmm, pwede bang sa paglabas ko na lang ikwento? Tumatagal na rin kase tayo rito, atsaka sinabi ko lang naman dahil gusto ko rin itong gawing bracelet para may identity ang pagkakaibigan natin diba!" nakangiting paliwanag ni Faith.
Mukhang magandang ideya nga ang sinasabi ni Faith.
"Ay bet ko yan bakla! Pag nakuha ko na accuma ko, gawin ko ring bracelet! Yieeeee!" excited nitong turan.
"Me too, para naman matreasure ang experience natin dito sa loob ng Forbidden Forest of N and also, ang start ng friendship na meron tayo," nakangiting wika naman ni Cynthia.
"So...ano pa hinihintay mo? Gawin mo na Faith!" sabi naman ni Erick kay Faith.
Ngumiti naman si Faith pagkatapos ay tiningnan ang hawak nitong parihabang kahon. Binuksan niya ito pagkatapos ay kinuha ang laman nito.
Niyakap niya ang nakuha niya pagkatapos ay ibinaba niya ang kaniyang sarili upang ilapag ang kahon sa lupa. Matapos iyon, ay tumayo na siya at nakangiting nakatingin sa'min habang mahigpit na yakap-yakap ang accuma na tinutukoy niya.
Inilahad niya ito sa'min ng dalawang kamay ng walang pag-aalinlangan.
"Ito ang aking accuma, isang pluta o flute," sabi niya na may tonong pagkagalak
Tulad ng aking mga kasama ay mariin namin itong pinagmasdan.
Isang simpleng kulay orange na flute lang ito kung titingnan dahil hindi naman nalalayo ang itsura nito sa flute na ginagamit ng mga ordinary people, but still looks can be deceiving ika nga.
"Alam mo ba kung paano gamitin yan Faith," tanong ko sakaniya.
"Ah eh, hehehehe. Hindi nga eh, pero I'll study how para hindi naman maset aside itong accuma ko atsaka baka balikan pa kita ni Diwata pag hindi ko'to ginamit, at the same time aalagaan at poprotektahan ko na rin with my whole life!," nakangiting tugon nito sa'king tanong habang nakatingin sa flute nito. Kitang-kita ang kinang sa mga mata nito dulot ng kaniyang accuma at masaya din ako para sakaniya.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasíaMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
