TOH Chapter 13: Opening Ceremony

998 70 4
                                        


✨Ash Keith POV✨

🧝

"Frennyyyyyyyy! Wake up, you sleepyhead! Male-late na tayo sa opening ceremony! Kainis ka naman eh! Hey! Wake up! Walang hahalik na prinsipe sa'yo frenny, echosera ka!" rinig kong panggigising sa'kin ni Eon habang inaalog-alog ang mga balikat ko.

"Eeehh! Inaantok pa'ko Eon! Five  more minutes pa pleaseeee!" pakiusap ko naman sakanya habang nakapikit pa rin.

"Aba aba frenny! Abuso ka na huh! Huwag ka ngang feeling puyat diyan kase ang haba-haba na kaya ng tinulog mo kanina sa clinic. Konting kahihiyan naman oh! Kaya hala! Bangon!" saad nito ng may pagkainis habang hinihila patayo ang aking katawan.

Arghh! Kainis naman. Inaantok pa kase talaga ako. Siya na nagsabi sa'kin na hindi ko naman kasalanan ang kung bakit ako nahimatay kanina pero pagod na  pagod pa kase talaga katawan ko. I need more rest!

Nakakahiya naman kung mahuhuli ako sa opening ceremony kase hindi ko naman alam ang gagawin dun. Wala na akong nagawa kundi ang bumangon at mag-ayos ng sarili.

After 10 minutes, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Tapos na akong magsipilyo at maligo. Nakapagpagpalit na rin ako ng uniform ko. Okay naman ang uniform. Same with the Sol students but differ in color. Sa mga Granted kase ay kulay white sa pantaas tapos combination ng red and black sa pambaba. Golden pin din ang meron ako, tapos may nakaukit na parang WiFi sign sa ibabaw ng utak. Simple yet lovely. Pinusod ko na rin ang aking buhok. Lagay ng pulbos. And done.

"Ano frenny! Matagal pa ba yan? 10 minutes na lang male-late na tayo oh," himutok nito

"Tapos na nga oh. Hindi ka naman makapaghintay. Tara na nga," sabi ko naman.

Inismiran lang ako nito. Ako nama'y ngumiti lang sa inasal niya. Lumabas na kami ng dorm namin at tinungo ang venue ng opening ceremony.

Sa aming paglalakad ay nakasalubong namin si Gary. Hindi pala nakasalubong dahil intensyon niya pala kaming sinalubong.

"Hey, you two look stunning in your uniforms. Sayang lang talaga hindi kayo nag-short skirt," ngumingisi nitong turan.

"Umalis ka nga sa daraanan namin. Male-late na kami oh! Laking harang mo kaya diyan! Kapre!" masungit na turan ni Eon.

"Ikaw talaga, gusto mo bang makakita ng armas ng kapre? Malaki to" sabi nito kay Eon sabay wink.

Nagsisimula na naman tong dalawang to. Makasingit nga.

"Ah eh. Gary pwede bang pumunta na tayo sa venue. Baka kase mahuli na tayo. Nakakahiya," pakiusap ko rito.

"Iyon nga ang sadya ko. Buti at nakita ko kayo. Pinapahanap ka kase sa'kin ng Vice-president. Ang sabi you're starting now daw," turan nito.

Kurt naman talaga. Akala ko nakalimutan na niya yun. Wala na akong magagawa dahil nadagdagan na naman utang na loob ko sakanya gawa kahapon.

"Ah okay. Sige tara na," tugon ko naman.

Nauna na siya at sinundan na lang namin ni Eon. Nang makarating kami sa venue which is the auditorium, sumalubong sa'min ang hindi mabilang na estudyante. Ewan ko lang kung freshmen lang to o lahat ng year.

"Gary, lahat ba ng nandito freshmen?" pagtatanong ko sa nasa harapan ko.

"Yup. Pag sinama pa dito ang lahat ng year, hindi na magkakasya rito sa venue for sure. Atsaka, opening ceremony is just for freshmen like us," tugon naman nito.

"Ah, okay. Buti nakaabot pa tayo. Marami-rami rin palang freshmen granted ngayong taon.  Nakakamangha dahil akala ko talaga sa comics lang nag-eexist ang mga katulad natin," pagpapaliwanag ko naman.

The Omnikinetic HeirStories to obsess over. Discover now