✨Aries Kurt POV ✨
🤴
Kanina pa'ko nakatingin sa taong nasa harap ko. Naghihintay ng susunod na mangyayari.
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa mga nakita at nabasa ko sa isip niya.
Bakit kase kailangan niyang gawin ang bagay na'yon. Arghhh! Kainis!
Sa sobrang inis ko ay napagsalitaan ko siya ng masakit na salita at pinaggawa siya ng mind barrier para hindi ko na ito marinig. Maging ako ay nabigla sa aking nasabi. Nakita ko siyang napayuko bigla kaya hindi ko napansin ang naging reaksyon nito, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang sinasabi ng kaniyang isip.
Naguguilty ako oo pero nangibabaw pa rin ang pagiging mapride ko kaya nanatiling galit ang tono ng aking pananalita.
Dahil sa suhestiyon ko ay wala siyang sinayang na oras. Agaran din niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Mukhang gagawin na niya talaga ang sinabi ko. Arghhh! Hindi ko naman talaga intensyon yon.
Hindi ko na siya pinigilan pa dahil desisyon niya naman ito.
Habang nakapikit siya ay hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang mukha. Napakaamo ng mala-anghel na mukha nito. Hindi nakakasawa tingnan kaso nga lang napakafragile niya.
Halos mag-iisang minuto ata akong nakatitig sakanya nang may mapansin ako sakanya. Ang mga kilay nito ay tumaas tanda na ito'y may iniindang sakit.
Tutulungan ko na sana siya kaso nang hahawakan ko sana siya ay bigla akong tumalsik at tumama sa dingding.
Shit! Ang sakit nun! Sineryoso niya talaga ang sinabi ko?! Hindi pa nga ako nakakapagsorry sa nauna, nadagdagan pa. Anubayan!
Kahit masakit pa rin ang katawan ko ay pinilit kong tumayo. Lumapit ako sakanya ngunit binigyan ko ito ng malaki-laking distansya sa pagitan namin. Baka tumalsik na naman ako eh!
Nang makarecover na'ko ay walang pag-aalinlangan kong binasa ang kaniyang isip ngunit isang pagkakamali ang aking ginawa.
Tila nakuryente ako nang pasukin ko ang kaniyang isipan at i-try na basahin ito. Napahawak pa nga ako sa ulo ko dahil sa sakit. Napaluhod rin ako tanda ng hapding nararamdaman. Tumagal ito ng mahigit kalahating minuto.
Nang masigurado kong okay na'ko ay muli akong tumayo. Sakto naman na may lumalabas na marka sa kaniyang noo at ang pagliwanag nito ng kulay lila.
Ganito ba talaga to kalakas?! Hindi talaga halata sa kaniyang itsura! Kailangan ko na ata talagang masanay sa mga ganitong pangyayari lalo na at lagi ko na'tong makakasama.
Nang mawala ang liwanag sa kaniyang marka ay saka ito nagpakawala ng isang malakas na enerhiya na halos ikaluhod ko.
Nanlaki mata ko sa kaniyang ginawa. Hindi na ordinaryong grant ang isang to! Paano niya nagagawa ang bagay na yon!
Iminulat niya ang kaniyang mata at gumuhit rito ang pagtataka lalo na't nasa harap niya ako na nanlalaki ang mga mata.
"Pa..pa..pa.ano mo nagawa iyon?" utal-utal na tanong ko habang nakatitig nakatitig sakanya.
✨✨✨✨✨✨✨
✨Ash Keith POV✨
🧝
Kanina pa'ko nagsosort out ng papeles rito sa SSC Office. Unang utos ni Senior Kurt.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasyMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
