✨Ash Keith POV✨
🧝
"Go Grant 8!!!!!!!" sigaw naming lahat sabay baba-taas ng aming pinagpatong-patong na isang kamay. Team gesture daw tawag dun sabi ni Eon eh.
Nakangiti naman naming kinuha ang aming mga kamay.
"Para mas okay na ang lahat, umihi na ang gustong umihi pero wag masyadong lalayo," wika ni Gary sa lahat.
Umalis sa pwesto namin sina Celestina, Eon, at Faith para umihi, katulad ng sinabi ni Cynthia.
"Kayong mga naka-sando shirt, dadalhin niyo pa ba ang polo niyo? Madudumi na kasi oh!" tanong ni Cynthia sa'ming apat na nakasando.
Nagkatinginan muna kaming apat bago tumingin sa polong nakalatag sa damuhan na sobrang dumi.
"Hindi na siguro! I prefer to be like this kase mas refreshing sa katawan," nakangiting wika ni Terrence.
"Me too. Makakapagprovide naman ata ulit ang school ng another uniform for us pero if hindi I'll pay na lang for another four new sets of uniforms," nakangiting wika ni Erick sabay tingin sa'ming apat.
Napansin ko naman ang paglapit ni Gary sa tabi ni Erick pagkatapos ay biglaan inakbayan ito na nagpagulat rito.
"Ang bait-bait naman ni Wy- (sabay tingin kay Erick pero sinamaan siya ng tingin nito) ni Nerdy, but you don't have to do that. Ako na lang magbabayad, nakakahiya naman" nakangiting wika ni Gary sabay gulo sa buhok ni Erick na ipinagtaka ng kasalukuyang nanonood sa eksena nila na si Cynthia
"No. It will be my treat Gary. Huwag ka na ngang mahiya, atsaka welcome gift ko na sainyo yun," nakangiting parang pilit na tugon ni Erick kay Gary sabay alis sa pagkaka-akbay ni Gary kaya nagkaroon ng konting distansya sa pagitan nila.
"Thanks, but let me do that first. I really insist it," nakangiting wika muli ni Gary sabay muling lapit kay Gary at inakbayan ito.
"No!" may diin na sabi ni Erick sabay alis niya ng brasong nakaakbay sakaniya.
"Yes!" may diin ring sagot ni Gary sabay balik sa pagkaka-akbay kay Erick.
Magsasalita pa lamang sana si Erick ng biglang magsalita si Terrence.
"Hephephep! Chill lang okay! Para hindi kayo magtalo and tutal you want both that idea, bakit hindi four new set of uniforms para kay Pareng Erick tapos another four new set of uniforms para naman sa'yo Pareng Gary, para mayroon din yung apat na kasama natin dahil like us, ay madudumi na rin naman ang kanilang mga uniform na suot-suot," suhestiyon ni Terrence sa dalawa na ikinatingin naman ng dalawa sakaniya.
I think magandang ideya iyon kaya sumang-ayon ako sa nais mangyari ni Terrence.
"Oo nga Erick at Gary. Imbes na magtalo kayo, half-half na lang para lahat tayo may bagong uniforms," nakangiting wika ko naman sa dalawa.
"Oo nga no? Bakit kasi hindi mo agad sinabi Pareng Terrence, pinagtalo mo pa kami nitong katabi ko, hahahah!" nakangiting wika ni Gary sabay gulo muli sa buhok ni Erick.
"Tigilan mo nga buhok ko Gary! Kanina pa'ko ayos ng ayos nito eh!" naiinis na wika ni Erick kay Gary na tinawanan lamang nito pero hindi pa rin inaalis ang pagkaka-akbay.
"Konti na lang talaga iisipin kong magsyota kayo," natatawang biglang wika ni Cynthia, na ikinatamik naming nakarinig sakaniya. Agad din namang inalis ni Erick ang pagkaka-akbay ni Gary, at hindi na niya ito binalik.
YOU ARE READING
The Omnikinetic Heir
FantasíaMost Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mendez, isang ordinaryong batang hangad lamang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. POOT, GALIT, HINANAKIT O PAGPAPATAWAD? Alin kaya...
